Beauty Gonzalez, emosyonal na binalikan ang kanyang pinagdaanang eating disorder

Beauty Gonzalez, emosyonal na binalikan ang kanyang pinagdaanang eating disorder

- Emosyonal na ibinahagi ni Beauty Gonzalez ang kanyang pinagdaanang eating disorder

- Ito ay nangyari diumano noong mga unang buwan ng hit teleseryeng Kadenang Ginto kung saan siya gumanap bilang si Romina Mondragon

- Gayunpaman, nalagpasan na niya iyon at masasabi niyang "healthiest" siya sa kasalukuyan

- Inamin din niyang nakaranas siya ng body shaming dahil sa kaniyang katawan noon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilang maging emosyonal ni Beauty Gonzalez nang balikan niya ang kanyang pinagdaanang eating disorder noong nagsisimula pa lamang ang Kadenang Ginto. Gumaganap siya bilang si Romina Mondragon sa nasabing serye.

"When I started the show, I was anorexic. I was [a] hundred pounds. I'm the healthiest I've been now in my life. Pero sa totoo lang, this is the best who I am right now," aniya habang pinipigil ang pagluha.

Dagdag pa niya,"It's a blessing to be alive right now and to be healthy. I'm happy to be here and healthy."

Matatandaang isa si Beauty sa mga artistang rumampa sa Bench Fashion Week Holiday 2018 noong September 1, 2018.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Inamin ng aktres na nakaranas siya ng mga pang-iinsulto dahil sa kanyang katawan ngunit natutunan niyang maging positibo sa gitna ng mga negatibong komento.

Naging malaking tagumpay ang Kadenang Ginto na nalalapit nang magtapos. Ito ay matatapos ngayong Biyernes.

Isa sa mga magpapatunay ng tagumpay nito ay ang Indonesian remake ng nasabing teleserye. Ilang beses din itong nagtrending sa social media.

Si Beauty Gonzalez ay unang nakilala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother:Teen Edition. Ikinasal siya sa asawang si Norman Crisologo at sila ay nabiyayaan ng isang anak na babae.

Sa naunang ulat, umani ng samu't-saring reaksiyon ang finale trailer ng Kadenang Ginto.

POPULAR: Read more about Beauty Gonzalez here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel