Viva, sinagot ang mga alegasyon ng legal counsel ni Nadine Lustre

Viva, sinagot ang mga alegasyon ng legal counsel ni Nadine Lustre

- Iginiit ng abogado ng Viva na umiiral, at pinakikinabangan ni Nadine Lustre ang sampung taon nang kontrata nito sa Viva Artists Agency

- Pinabulaanan din nila ang mga alegasyon na isinapubliko ng abogado ni Nadine na si Atty. Lorna Kapunan

- Inilarawan ng Viva na “malicious at unjustified” ang sinabi ni Atty. Kapunan tungkol sa diumano'y pananamantala ng talent management sa mga artists nito

- Pinanindigan din ng kumpanya na valid ang kanilang kontrata at maari nilang kasuhan ang sinumang makikipagtransaksiyon sa aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Iginiit ng abugado ng Viva o Viva Artists Agency na valid at umiiral ang kontrata ng aktres na si Nadine Lustre sa kanila. Ito ay sa kabila ng pasya ng aktres na tapusin na ang kanyang kontrata sa talent management company.

Napag-alaman ng KAMI na sinabi na Viva na sila lamang ang exclusive agent at manager ng aktres.

Kasama pa diumano ni Nadine ang kanyang mga magulang nang una itong pumirma ng kontrata sa Viva noong 2009. Kasunod nito ay nasundan pa ng kontrata hanggang June 2029.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinagot din nila anf naging pahayag ni Atty. Kapunan na ang kontrata ni Nadine ay “unconscionable, oppressive and illegal.”

Viva, sinagot ang mga alegasyon ng legal counsel ni Nadine Lustre

Viva, sinagot ang mga alegasyon ng legal counsel ni Nadine Lustre
Source: Twitter

Viva, sinagot ang mga alegasyon ng legal counsel ni Nadine Lustre

Viva, sinagot ang mga alegasyon ng legal counsel ni Nadine Lustre
Source: Twitter

Samantala, narito ang reaksiyon ng mga netizens hinggil sa isyung ito:

I let go na lang kaya sya ng viva and see if she can stand on her own. Super nega ng image nya ngayon, pacool padiva pasuper artista pero kahit anong galing nya sa arte hindi nagreflect sa result ng last movies nya. And sinong big management ang magrisk pumasok sa contract with her if parang pag ayaw nya na, ayaw nya na. Good luck sa’yo nadya sana mapangatawanan mo yan. Peace out “ya’ll”
Nadine kung ako sayo, makipag settle ka na. ako na nagsasabi sayo girl, matatalo ka dito at mauubos ang pera mo. This Will also cause you more stress na mamaya ika sakit mo pa mahirap na. Wag na Ma pride at matigas ang ulo.
This answers point by point the malicious statements against Viva. Good job, counsel

Matatandaang nanindigan ang VIVA laban sa pahayag ng abugado ni Nadine tungkol sa pagnanais nitong lisanin ang talent management company.

Si Nadine Lustre ay isang aktres, product endorser at recording artist. Siya ang kapareha ni James Reid sa ilang pelikula at teleserye. Kilala ang kanilang tambalan sa bansag na JaDine. Gayunpaman, inamin ng magkasintahan na hiwalay na sila nitong unang January, 2020.

POPULAR: Read more about Nadine Lustre here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel