Pinoy, ipinasilip ang kalagayan sa Hubei, China habang naghahanap ng bukas na tindahan

Pinoy, ipinasilip ang kalagayan sa Hubei, China habang naghahanap ng bukas na tindahan

- Isang Pinoy ang nagbahagi ng video na nagpapakita ng kasalukuyang sitwasyon sa Hubei, China

- Kasalukuyang lockdown ang lungsod at madalang ang mga taong lumalabas dahil sa banta sa kalusugan na dulot ng nCoV

- Ayon sa Pinoy, wala ding masasakyan dahil kahit ang mga gas station ay hindi nag-ooperate

- Naghahagilap din sila ng mga tindahang bukas upang makabili ng makakain at inumin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Pinoy ang nagbahagi ng video na nagpapakita ng ilang kalye sa Hubei, CHina. Wala halos mga tao sa nasabing lungsod at madalang na rin ang sasakyan sa mga kalye.

Ibinahagi ni Jay Max ang sitwasyon sa lugar kung saan siya nakatira sa Hubei Province habang naglalakad siya papunta sa isang tindahan para bumili ng tubig.

Ayon sa kanya, mahirap ang kanilang kalagayan dahil wala nang food delivery at halos lahat ng mga tindahan ay sarado. Gayunpaman, mayroon ding mangilan-ngilan na tindahang nagbubukas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil wala nang mga pampublikong sasakyan, kinailangan niyang maglakad upang makarating sa nais niyang puntahan.

Sa kabila ng mga naranasan dahil sa epidemya, kahit papaano ay maayos naman daw ang kalagayan nila habang nag-aantay ng update mula sa embahada ng Pilipinas.

Pinagbawal din diumano ang mga private cars. Kakailanganing magpaalam muna ng mga mamayan kapag lalabas ng kalsada.

Sa kasalukuyan umabot sa mahigit 300 ang nasawi dahil sa nCoV. Isa sa dalawang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa Pilipinas ang binawian na ng buhay nitong Sabado, February 1. Ito ang unang kaso ng biktima ng nCoV na nasawi sa labas ng bansang CHina.

Ang 2019 novel coronavirus o nCoV ay pinaniniwalaang nagmula sa Wuhan China at sinasabing nagmula sa pagkain ng paniki. Sa kasalukuyan, may mga ulat nang lumabas na may mga taong gumaling mula sa sakit na dulot ng virus na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel