Lalaking nakabulagta at inakalang may nCoV, lasing na Koreano raw pala

Lalaking nakabulagta at inakalang may nCoV, lasing na Koreano raw pala

- Pinabulaanan ng Manila Public Information Office ang viral post patungkol sa isang lalaking inakalang Chinese at inakalang may 2019 novel corona virus

- Isa pala itong lasing na Koreano at dumulog na siya sa pulisya upang i-klaro ang katotohanan sa kumakalat niyang larawan online

- Mabilis kasing umagaw ito ng atensyon sa social media ang larawan ng lalaki na inihalintulad nila sa mga nCoV patients sa China na bumubulagta na lamang sa daan

- Di maiiwasang maalarma ang publiko lalo na at may isa nang kumpirmadong namatay dahil na nagpositibo sa nCoV

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinabulaanan ng Manila Public Information Office ang di umano'y kumakalat na larawan ng lalaking inakalang Chinese na nakabulagta sa kalsada sa Maynila kahapon, Pebrero 1.

Mabilis na nag-viral ang post ng netizen na si Zaldy Bao Maguigad patungkol sa lalaking ito lalo pa at nahahawig ang senaaryong ito sa mga taong bumabagsak na lang sa China dala ng sakit na 2019 novel coronavirus o nCoV.

Gumawa ng ingay ang post na ito ni Zaldy lalo pa at wala raw nais tumulong sa lalaki sa takot na baka raw ito'y Chinese na positibo sa nCoV.

Pebrero 2 nang dumulog ang Korean national sa Ermita police station upang linawin ang mga pangyayari.

Ayon mismo kay Ermita Police Station Commander na si Police Lieutenant Colonel Ariel Caramoan, nagulat raw kasi ang Koreano sa mga kumakalat niyang larawan online.

Nalaman ng KAMI na di pala nito kinaya ang kalasingan kaya naman bumulagta na lamang ito sa kalsada.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Katunayan, nakabangon pa raw ito at nakapaglakad paalis.

Nilinaw din ng Korean na hindi siya infected ng kinatatakutang virus gaya na lamang ng hinala ng ilan sa kanya dahil sa kanyang larawan.

Samantala, umani pa rin ng papuri ang nag-upload ng mga larawan dahil ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang maihingi ng tulong ang lalaki.

Ayon pa nga sa mga netizens, di rin daw masisi ang uploader kung ganoon na lamang ang laman ng kanyang post lalo pa at may isa nang pumanaw na pasyente sa Pilinas na nagpositibo sa 2019 novel coronavirus. Una na itong naibalita ng KAMI.

Enero 30 nang kumpirmahin ng Department of Health na mayroong isang pasyenteng Chinese sa San Lazaro Hospital ang nagpostibo sa nCoV.

Ang lalaking pumanaw dahil sa kinatatakutang sakit na ito ay kasama ng babaeng unang inanunsyo na nag positibo sa nasabing virus.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel