Kobe Bryant, dumaan pa sa simbahan bago ang pag-crash ng sinasakyang helicopter

Kobe Bryant, dumaan pa sa simbahan bago ang pag-crash ng sinasakyang helicopter

- Ilang oras bago ang pag-crash ng helicopter na sinasakyan ni Kobe Bryant, dumaan pa diumano ito sa simbahan

- Ito ay ayon sa isang pari sa simbahan kung saan siya dumaan para magdasal at kung saan sila laging nagsisimbang buong pamilya

- Ayon sa pari, nagkausap at nagkumustahan pa sila ng NBA star bago nangyari ang crash na kanyang ikinasawi

- Ibinahagi din ng pari kung ano ang ginagawa ni Kobe para hindi mabaling sa kanya ang atensiyon ng tao kapag nagsisimba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang oras bago nangyari ang pagbagsak ng helicopter na sinasakyan ni Kobe Bryant, dumaan pa diumano ito sa simbahan ayon sa ilang opisyal ng simbahan.

Dumaan siya sa Our Lady Queen of Angels sa Newport Beach, California, bago pa man magsimula ang misa ng alas-7:00 ng umaga ayon kay Rev. Steve Sallot.

Ayon sa pari, nakipagkamay pa at nakapagkwentuhan ang basketbolista ng ilang minuto nang umagang iyon. Pinag-usapan diumano nila ang pagnanais ni Kobe na makapagkumpil.

Hindi na umano dumalo sa misa si Kobe.

“I saw that he had blessed himself because there was a little holy water on his forehead. So I knew that he’d gone into the chapel to pray and came out and blessed himself. And then we spoke for a minute, shook hands, and then off he went," ani Sallot sa CBS Los Angeles.

“He was quite a man of faith. Quiet about it, but certainly a man of faith," dagdag pa ng pari.

Ayon naman sa Orange County Auxiliary Bishop na si Timothy Freyer, iniiwasan ni Kobe na mabaling sa kanya ang attensiyon kapag siya ay nagsisimba.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinapatapos diumano ni Kobe ang entrance procession bago pumasok at umupo sa bandang likuran at nauuna ding lumabas kapag patapos na ang misa.

“He wanted people to focus on Christ’s presence, not his presence,” ani Freyer.

Si Kobe Bryant ay kilalang basketbolista sa koponang Los Angeles Lakers. Bumagsak kamakailan ang helicopter na kanyang sinasakyan na ikinasawi ng walo pang katao kabilang ang kanyang anak na babae.

POPULAR: Read more about Kobe Bryant here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel