Asong 15 araw na natabunan ng ashfall, nahukay at himalang buhay

Asong 15 araw na natabunan ng ashfall, nahukay at himalang buhay

- Nahukay ang isang aso sa Batangas na natabunan na ng ashfall sa Batangas

- Nagulat ang may-ari ng asong si "Idol" dahil inakala niyang patay na ito

- Nakuha si Idol sa may kwarto ng kanilang bahay na natabunan na ng abo dahil sa pagsabog ng Taal

- 15 araw na itong walang kain at di umiinom kaya naman namayat ang aso at nanghina

- Ngayon, bumalik na ang sigla ni Idol na kasama na muli ang pamilya niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Laking gulat ng residente ng Agoncillo, Batangas na si Jhay R Balba nang mahukay niya na buhay pa ang alagang aso na si "Idol."

Ayon sa ABS-CBN news, taong nawawala ang hinahanap ng grupo nang makita ni Jhay R si Idol na inakala nilang patay na.

Nalaman ng KAMI na 15 araw na kasi itong naiwan na sa natabunang bahay kaya naman emosyonal ang amo nang makita ang alaga.

Nasa bahagi raw ito ng kwarto ng kanilang bahay na natabunan ng hanggang baywang na na abo dala ng pagputok ng bulkang Taal, dalawang linggo na ang nakalipas.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hinang-hina at payat na payat ang aso kaya naman agad na binigyan nila ito ng maiinom.

Masaya ang amo na makita muli si Idol at sinabing masigla na raw muli ito at unti-unti nang nanumbalik ang malusog nitong pangangatawan dahil kasama na niya ang kanyang pamilya.

Matatandaang Enero 12 nang mag-alboroto ang bulkang Taal na gumulantang sa mga taga-Batangas.

Mabilis na umakyat sa alert level 4 ang bulkan kaya naman marami ang mga pamilyang agad na pinalikas lalo na iyong mga nasa 14km radius na danger zone.

Nito lamang nakaraang linggo, Enero 26 nang ibaba na sa alert level 3 ang bulkan kaya naman marami-rami nang residente ang nakabalik sa kani-kanilang tahanan.

Patuloy pa rin ang pagmo-monitor sa bulkan lalo na at hindi pa ito tuluyang nananahimik at kasalukuyan pa rin itong nasa alert level 3.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel