Mag-asawang tricycle driver at mananahi, pinatayuan ng mansiyon ng kanilang mga anak

Mag-asawang tricycle driver at mananahi, pinatayuan ng mansiyon ng kanilang mga anak

- Isang mag-asawang tricycle driver at mananahi ang pinatayuan ng mansiyon ng kanilang mga anak

- Ito ay matapos makapagtapos ng kanilang apat na anak at nagkaroon ng mga maaayos na trabaho

- Pagbabahagi pa ng isa sa mga anak, nagtapos silang magkakapatid sa pamamagitan ng sikap ng kanilang mga magulang

- Lahat din sila ay iskolar kaya nakatulong ito upang kayanin nilang magtapos sa kanilang mga kurso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng isang netizens ang nakaka-inspire na kuwento ng kanilang pamilya. AYon sa isang Faceboook user, ang kaniyang ama ay isang tricycle driver at isang mananahi ang kanilang ina. Wala din silang sariling motor kaya nagbabayad pa ng boundary ang kanyang ama.

Naging working student at iskolar silang magkakapatid para kahit papaano ay hindi mahirapan ang kanilang mga magulang sa gastusin.

Share ko lang po ❤️❤️❤️ Isa pong tricycle driver ang tatay ko (nakikiboundary lang din, walang sariling tricycle). Ang nanay ko naman po ay mananahi (pakyawan). Yung kita po nila sa isang araw ay hindi fix, depende sa gawa at tyaga, ayun lang ang maiiuwing pera. Sobrang hirap po ng pinagdaanan, naging working student kami ng kapatid ko at lahat kami ay pinilit na maging scholar.

Ayon pa sa netizen, nakapasa silang apat sa board exam sa kursong Elecrical Engineer, Civil Engineer, Math teacher at Mechanical Engineer.

Sa tulong at awa naman ng Diyos, nakapagtapos po kaming apat. Ako po ay Elecrical Engineer, ang pangalawa ay Civil Engineer, ang pangatlo ay Math teacher at ang bunso ay Mechanical Engineer. Sa tulong po ng dasal, tyaga at sipag, nakapasa din po kaming lahat sa board exam (1 take).

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kung noong araw ay maliit lang ang kanilang tirahan, nakapagpatayo silang magkakapatid ng malaking bahay para sa kanilang mga magulang.

Siguro po alam ni Lord kung gaano ang sakripisyo ng mga magulang namin para lang maitawid kami sa tagumpay. At ayan din po, sa awa din ng Diyos, nakapagpatayo na din kami ng sariling bahay. Buong buhay po namin, nakatira lang kami sa isang maliit na apartment, ilang hakbang lang nasa kusina at banyo ka na. Natutulog kami sa sala.

Marami ang natuwa at bumilib dito at naghangad na sana sila din ay makatulong sa kanilang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel