Hunan Province sa China, may outbreak ng #H5N1 bird flu virus

Hunan Province sa China, may outbreak ng #H5N1 bird flu virus

- Panibagong kaso ng H5N1 bird flu virus ang naiulat sa Hunan Province sa China

- Ito ay sa gitna ng pangamba sa epidemyang dulot ng nCoV o novel coronavirus na pinaniniwalaang nagmula sa Wuhan, China

- Sa kasalukuyan umabot sa mahigit 300 na katao ang binawian ng buhay dahil sa nCoV

- Ayon sa ulat, 4,500 na manok ang namatay sa isang poultry farm sa Shaoyang, Hunan, China

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa gitna ng pangamba ng publiko laban sa nCoV , panibagong outbreak ng H5N1 bird flu virus ang naiulat sa Hunan province sa China.

Ayon sa Ministry of Agriculture and Rural Affairs sa China, nangyari ang "highly pathogenic strain" ng H5N1 sa isang farm sa Shaoyang, Huna, China.

Sa 7,850 na manok sa nasabing farm, 4,500 diumano ang namatay dahil sa bird flu.

Napag-alaman ng KAMI na unang naiulat ang unang kaso ng H5N1 taong 1886 sa mga gansa sa China ayon sa US Center for Disease Control and Prevention (CDC).

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Unang naiulat ang virus sa tao noong 1007 at muling nanalanta taong 2003.

"Most human infections with Asian H5N1 viruses in other countries have occurred after prolonged and close contact with infected sick or dead birds," the CDC continued. "Rare human-to-human spread with this virus has occurred, but it has not been sustained and no community spread of this virus has ever been identified."- CDC

Ayon naman sa World Health Organization, madalang lamang mahawa ang tao sa H5N1 bird flu pero mahirap diumano itong kumalat sa pamamagitan ng paghahawa ng tao sa tao.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel