Yorme Isko Moreno, ikinulong ang 5 Chinese na nagbebenta ng overpriced masks

Yorme Isko Moreno, ikinulong ang 5 Chinese na nagbebenta ng overpriced masks

- Sinampolan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang limang Chinese Nationals kamakailan

- Ito ay matapos silang mahuli na nagbebenta ng overpriced na masks na ngayon ay sinasabing nagkakaubusan

- Sinermunan ni Yorme Isko ang mga dayuhan sa paglabag sa Consumer act

- Kinatuwa naman ng netizens ang mabilis na pag-aksyon na ito ng mayor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pinalampas ni MAyor Isko Moreno ang ilang dayuhang nang-aabuso sa pamamagitan ng pagbenta ng overpriced masks. Ito ay sa gitna ng pangamba ng mga mamamayan na mahawa ng nCoV o novel coronavirus na sinasabing nagmula sa Wuhan, China.

Iprinisinta ni yorme ang limang Chinese Nationals na nahuling lumabag sa consumer's act dahil sa pagbebenta ng overpriced mask.

Ayon kay Moreno, nauna na siyang nagbigay ng babala na huwag abusuhin at samantalahin ang pagtaas ng demand sa mask dahil sa pangambang mahawaan ng nCoV.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman ang natuwa sa agarang aksiyon ng mayor matapos ihayag ng mga netizens ang kanilang hinaing sa mga overpriced face masks.

Great job done ng mga tauhan mo Mayor. Siyempre dahil sa iyong maayos na pamumuno. Sana tularan ka pa ng maraming politician. Patnubayan kayong lahat Diyos.
Thanks a lot, Mayor Isko, for your love and concern for us Filipinos. Your sincerity, generous heart is highly appreciated not only in Manila, but the whole Country and around the World. We love you. God bless.
Tama po yan mayor para po matuto sila at bigyan ng tamang leksyon para de pamarisan ng kapwa nila. sobra abuso sila sa bansa natin pero pag tayo nasa bansa nila agad kulong at kasuhan. God bless po mayor naway dumami pa po tulad nyo na de natatakot ipatupad ang batas natin. Good job

Matatandaang marami ang nagpanic at bumili ng face masks ng maramihan dahil sa pangambang dulot ng epidemyang kumitil sa buhay ng mahigit 300 katao. Kamakailan ay isang Chinese National ang kumpirmadong namatay sa Pilipinas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel