44-anyos na Chinese na nagpositibo sa novel coronavirus, pumanaw sa Pilipinas

44-anyos na Chinese na nagpositibo sa novel coronavirus, pumanaw sa Pilipinas

- Pumanaw ang 44-anyos na Chinese national na ikalawang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa bansa

- Ito raw ang kasama ng babaeng 38-anyos na Chinese national na unang kumpirmadong kaso ng nCoV

- Ang lalaking ito ay ikalawang kaso ng nCoV sa bansa

- Enero 21 nang dumating sila sa bansa ngunit uminda lamang ng nararamdamang sakit noong Enero 25

- Enero 31 ay naging kritikal ang lagay nito matapos ding pahirapan ng komplikasyon at tuluyang pumanaw nitong Pebrero 1

- Maayos naman na ang lagay ng unang pasyente sa Pilipinas na kinumpirmang may nCoV

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa press conference na ginanap nitong Pebrero 2 ng umaga, kinumpirma ni Department of Health Secretary Francisco Duque III ang pagpanaw ng isang 44-anyos na lalaking mula mismo ng Wuhan at nakapagbiyahe sa PIlipnas.

Ayon sa ABS-CBN News, ang lalaking ito ay kasama ng babaeng pinakaunang naitalang kaso na may 2019 novel coronavirus sa bansa.

Enero 21 nang sila ay makarating sa Pilipiinas partikular na sa Cebu. Mula Cebu at nagpunta rin ang dalawa sa Dumaguete.

Kaya naman agad na nagsagawa ang DOH ng tracking ng mga taong maaring nakasalamuha ng mga ito.

Enero 25 nang nakapagbiyahe na ang dalawa patungong Maynila at doon uminda ng mga karamdaman.

Bagaman at nagpositbo ang babae sa nCoV, hindi na naging kritikal ang lagay niya. Katunayan, magpasahanggang ngayon ay inoobserbahan na lamang ang lagay ngunit wala nang iniindang anumang sakit.

Ngunit ang kasama nitong lalaki ay nagkaroon pa ng komplikasyon dala ng severe pneumonia na siyang dahilan ng pagiging kritikal ng kalagayan niya noong Enero 31.

Ayon ng World Health Organiztion, ito ang unang kaso ng pagkamatay dahil sa novel coronavirus na nasa labas ng China.

Siya rin ang unang pasyente ng Pilipinas na nagpositibo at namatay dahil sa kinatatakutang sakit na ito ngayon.

Paliwanag namang ng WHO Philippines, dapat isaisip na hindi mula sa bansa ang dalawang dayuhan.

Nagkataon lamang na dito sila inabot sa bansa ng pagpapagamot at sa kasamaang palad ay pumanaw ang isa.

Narito ang kabuuan ng press conference:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel