Pumanaw na volunteer doctor sa Wuhan, umani ng respeto at papuri mula sa netizens

Pumanaw na volunteer doctor sa Wuhan, umani ng respeto at papuri mula sa netizens

- Mabilis na nag-viral ang di umano'y larawan ng volunteer doctor na pumanaw sa kalagitnaan ng kanyang misyon sa pagtulong sa mga tinamaan ng 2019 novel coronavirus

- Siya mismo ay nahawa at nagkasakit at sa kasamaang palad ay namatay

- Humanga ang mga netizens sa boluntarismong pinakita ng doktor na kahit alam niyang labis na mapanganib ang kanyang tinanggap na tungkulin sa Wuhan ay tinanggap at ginampanan pa rin niya ito

- Si Dr. Liang Wudong ang unang medical staff na pumanaw dala ng outbreak na ito sa Wuhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakalungkot at labis na nakakadurog ng puso ang pagkamatay ni Dr. Liang Wudong na isang volunteer doctor sa Wuhan, China.

Sa Wuhan ang sinasabing lugar sa China kung saan nagmula ang kinatatakutang sakit na 2019 novel coronavirus na kilala rin sa tawag na nCoV na nakarating na rin sa Pilipinas.

Nahawa at namatay si Dr. Wudong sa kasagsagan ng kanilang misyon na matulungang magamot ang libo-libong pasyente sa Wuhan na nanganganib din ang buhay dahil sa nCoV.

Ayon pa sa post ng Rise Up, sana raw ay lagi nating alalahanin si Dr. Wudong bilang siya ang unang medical staff na nabuwis ang sariling buhay para lang maisalba ang iba.

Habang ang karamihan kasi ay umaalis at tumatakas palabas ng Wuhan, nanatili si Dr. Wudong at ang iba pang volunteer doctors at nurses para gampanan ang kanilang tungkuling manggamot at mga taong may karamdaman.

Maaalalang sa naunang ulat ng KAMI, emosyonal na namaalam ang mga volunteer medical staff sa kani-kanilang pamilya dahil wala ngang kasiguraduhan ang kanilang kaligtasan tulad na lamang ng nangyari kay Dr. Wudong.

Umani ng papuri at pasasalamat ang doktor na maituturing daw na isang bayani dahil sa kanyang nagawa para sa mga labis na nangangailangan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"May you rest in peace Dr. Wudong, thank you for your sacrifice and service inspite of risking your life. Not all heroes wear capes and truly you’re an angel in disguise. Praying for your family during this difficult time."
"Thank you for your service dear friend, rest in peace, I pray for his family that God would bring comfort and rap them up in His Father love."
" Thank you ! May you rest in peace doctor and pray and guide all the medical staff who are risking their life for humanity."
"Thank you Sir and your family for going beyond the call of duty trying to help others. Your service is very appreciated. May your family be surrounded with the white light of Christ and render comfort to all your family..."
" Rest in God arms beautiful soul. Salute to the doctors, nurses & volunteers their life is also at risk but they're doing their best to help those in needs. May God bless and protect them."

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel