Dayuhang pinaniniwalaang may corona virus, bumagsak habang naglalakad sa Manila

Dayuhang pinaniniwalaang may corona virus, bumagsak habang naglalakad sa Manila

- Isang dayuhan ang nakitang nakahandusay sa isang kalye sa Malate, Manila

- Ayon sa isang netizen na nagbahagi ng mga video at litrato sa social media, mukha daw Chinese National ang nasabing dayuhan

- Natumba na lamang daw ito at naginginig habang naglalakad ayon sa mga saksi

- Ayon pa sa concerned citizen, marami siyang tinawagan upang matulungan ang dayuhan pero wala daw nagresponde

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang dayuhan ang nakitang nakahandusay sa kahabaan ng Remedios st. corner Taft Avenue sa Malate, Manila. Ibinahagi ng Facebook user na si Zaldy Bao Maguigad ang ilang video at picture ng dayuhan na ayon sa kanya ay 90% na mukhang Chinese.

Ayon pa kay Maguigad, tumawag na siya ng ambulansiya upang matulungan ang dayuhan pero walang dumating at lahat daw ay may dahilan.

Natumba ang lalaki habang naglalakad at nanginginig daw ito ayon sa mga saksi.

Marami ang nangamba sa posibilidad na infected ng NCov ang nasabing dayuhan kaya walang lumapit o tumulong man lang dito.

Nilinaw naman ni Maguigad na hindi niya sinabing sigurado siyang Chinese ang lalaki at hindi din niya sinabing tiyak na may nCoV ito. Ayon sa kanya, gusto niya lang matulungan ang lalaki kaya niya ibinahagi ang mga video at litrato.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa niya, nag-alala din siya para sa kaligtasan niya at ibang mga tao sa lugar kung sakali mang may nCoV nga ang dayuhan.

Matatandaang nagdulot ng pangamba sa mga tao ang pagkalat ng nCoV o 2019 novel coronavirus na pinaniniwalaang nagmula sa Wuhan, CHina. Kasalukuyan namang naka-lockdown ang lungsod kabilang na ang ilang lungsod sa China na apektado ng nasabing epidemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel