Maine Mendoza, nangisay sa kilig dahil sa "unexpected love team" sa Eat Bulaga

Maine Mendoza, nangisay sa kilig dahil sa "unexpected love team" sa Eat Bulaga

- Kinilig ng todo si Maine Mendoza sa hindi sinasadyang love team na nabuo sa "Eat Bulaga"

- Dalawa sa mga pilotong naimbitahan sa isang episode ng segment ng EB na Bawal Judgemental, ang nagpakilig sa marami

- Si Yaya Dub, "nangisay" pa nga sa kilig dahil sa dalawa

- Game na game rin namang nakipagkulitan ang mommy ng isa mga pilotong naging love team bigla sa EB

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Napahiga at nangisay sa kilig si Phenomenal Star Maine "Yaya Dub" Mendoza dahil sa hindi sinasadyang love team na nabuo sa Eat Bulaga.

Dalawa kasi sa mga pilotong naimbitahan sa isang episode ng segment na Bawal Judgemental ang bigla nalang nag-click on-the-spot.

Sina Jeremy at Steffi na parehong licensed pilot ang "unexpected loveteam" na nagpakilig sa Dabarkads.

Parehong single at 24 years old ang mga ito kaya naman hindi naiwasan ng mga hosts na tuksohin ang dalawa.

Game na game namang nakipagkulitan ang dalawa.

Maging ang mommy ni Steffi ay nakisakay na rin sa saya at kilig sa studio.

Bukod sa mga audience, aliw na aliw din ang mga netizens sa nasabing episode!

"One of the BEST episode of Bawal Judgemental! Sobrang tawang-tawa ako at the same time kinikilig kay Steffi at Jeremy."

"Dami kong kilig Steffi at Jeremy.. sarap mainlove talaga.hihihi.."
"Grabe kilig namin kanina kay Steffie at Jeremy."
"Ilang beses kong pinanood to sobrang kilig talaga."
"Nakakatuwa ang segment ngayon lalo na bigay na bigay sa pagho-host si Maine. Sobrang kilig moments with Stefi & Jeremy & Stefi's mom is a very good sport. Excellent show EB!"
"Gaya ni Maine ngayon lang ulit ako kinilig ng ganito. Last na kinilig ako ng ganito nung Kalyeserye."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isa pang article ng , kinaaliwan din ng marami ang isang episode ng Bawal Judgemental noong Sabado kung saan si Manila Mayor Isko Moreno naman ang celebrity judge!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel