Aliw na aliw si Yorme! Mayor Isko Moreno, 'di kinaya si Wally Bayola

Aliw na aliw si Yorme! Mayor Isko Moreno, 'di kinaya si Wally Bayola

- Napahalakhak ng todo si Mayor Isko Moreno dahil sa mga nakakaaliw na pagpapatawa ni Wally Bayola sa Eat Bulaga

- Nito lang Sabado ay nag-guest si Mayor Isko sa segment ng nasabing Kapuso noontime-variety show na "Bawal Judgemental"

- At isa sa mga hosts na kasama sa segment na ito si Wally Bayola

- Hindi napigilan ni Yorme ang sarili nang makita si Wally na may suot na maiksing wig at nag-mukhang "panot" na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi kinaya ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang kalokohan ng host at komedyanteng si Wally Bayola nang mag-guest ito sa Eat Bulaga.

Sa segment ng EB na "Bawal Judgemental" noong Sabado kung saan si Mayor Isko ang naimbitahang celebrity "judge", tawang-tawa ito kay Wally na isa sa mga hosts.

Pitong OFW ang naimbitahang maging guests sa episode ng Bawal Judgemental na siyang kikilatisin ni Yorme.

Sa pagpapakilala ng mga ito ay nakipagkulitan si Wally at nagsuot ng iba't ibang costumes.

Ngunit napahalakhak ng todo si Mayor Isko nang lumabas si Wally na may suot ng maiksing wig at nagmukhang "panot".

Huli sa camera ang pagkaaliw ng alkalde!

Maging ang ibang hosts kabilang na sina Joey de Leon at Maine Mendoza ay tawang-tawa rin sa ginawa ni Wally.

Samantala, nang matapos ang nasabing episode ay buong-puso namang hinati ni Mayor Isko ang napanalunang premyo sa mga OFW na kasali, na una nang naiulat ng .

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay ang ika-27 mayor ng siyudad ng Maynila.

Bago ito naging politiko ay isa itong aktor na sumikat sa programang "That's Entertainment" ni German Moreno.

Nadiskubre ito sa isang lamay at doon na nagsimula ang kanyang career bilang aktor.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel