Mayor Isko Moreno, pinabilib ang mga Dabarkads sa Bawal Judgemental

Mayor Isko Moreno, pinabilib ang mga Dabarkads sa Bawal Judgemental

- Muling pinabilib ni Mayor Isko Moreno ang marami sa kanyang ginawa nang magguest siya sa "Eat Bulaga"

- Sa segment na "Bawal Judgemental" ilang OFW ang nakaharap ni Yorme bilang celebrity "judge"

- Matapos marinig ang istorya ng mga itinuturing na mga bagong bayani, naantig ang puso ng alkalde

- Kaya naman ang kanyang napanalunan ay hinati-hati na niya sa mga ito

- Maging ang kanyang talent fee ay pinili na rin nitong ibigay sa Heart Center

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang ipinamalas ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso ang kanyang pagiging matulungin sa ilang OFW na nakilala sa longest-running noontime show na Eat Bulaga.

Sa segment ng nasabing Kapuso show noong Sabado, February 1, kung saan si Yorme ang celebrity "judge", ilang OFW ang nakilala nito.

Matapos na marinig ang masasakit na pinagdaanan ng mga ito, naantig ang puso ng alkalde.

Ang ilan kasi sa mga ito ay nakaranas ng pang-aabuso mula sa mga dating amo.

Kaya naman, sa halip na iuwi ang napanalunan, hinati na lang niya ito sa pitong naimbitahang OFW.

Maging ang kanyang talent fee ay pinili na rin niyang i-donate sa Heart Center.

Ang Eat Bulaga naman, nangakong dodoblehin ang donasyon ni Yorme.

Hiyawan at palakpakan naman ang inani ng mga ito mula sa mga audience. At maging ang mga netizens, masaya rin sa episode na ito.

Talagang nakaka-good vibes ang makarinig ng pagtutulungan ng mga Pilipino na sa kabila ng mga pinagdadaanan ng marami sa atin, siguradong mayroon pa ring nakahandang tumulong at magbigay inspirasyon sa bayan.

"You can feel the way Mayor Isko sympathise with the ladies. Really genuine and very soft-hearted. Sana lahat ng public servants and officials may puso kagaya ni Yorme."
"Naging seryoso si yorme isko o.... this is THE BEST SEGMENT ever!"
"Mayor isko is very down to earth, humble, soft hearted."
"You truly have a big heart Yorme!!! May God flourish you more with overflowing blessings!!!
And to the people of Eat Bulaga, thank you so much for giving out a very nice and outstanding variety noontime show, kudos to all of you!!! More power and God bless you all!!!"
"Yorme I salute you for emphatizing with our unsung heroes the OFWS. You felt their pains."

Si Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay ang ika-27 mayor ng siyudad ng Maynila.

Bago ito naging politiko ay isa itong aktor na sumikat sa programang "That's Entertainment" ni German Moreno.

Nadiskubre ito sa isang lamay at doon na nagsimula ang kanyang career bilang aktor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng KAMI, naging emosyonal si Mayor Isko sa isang FB live na nag-ugat sa "epal" comment ng isang human rights lawyer.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel