Isang matandang babae, naiyak dahil wala siyang pambili ng mask

Isang matandang babae, naiyak dahil wala siyang pambili ng mask

- Isang video ng matandang emosyonal ang umantig sa mga puso ng netizens

- Sa kasalukuyang sitwasyon sa ilang lungsod sa China, nagkakaubusan na ng mask

- Ito ay kailangan ng bawat mamamayan doon upang maiwasang mahawa ng virus na kilala sa tawag na 2019 nCoV

- Isang lalaki ang naawa sa matanda at binigyan ng mask ang matanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa gitna ng mga nakabahalang kwento tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng mga tao sa ilang lungsod sa China na lubhang tinamaan ng Wuhan coronavirus o kilala din bilang 2019 novel coronavirus, ilang video ang ngayon ay kumakalat sa social media na kuha doon mismo sa China.

Isang video ng matandang babae ang umantig sa puso ng mga netizens. Sa paglaganap ng sakit na dala ng pinangangambahang virus, nagkaubisan na rin ng supply ng mask. Mahalaga ito sa mga mamayan lalo na sa mga apektadong lungsod upang mapigilang mahawa ang mas maraming tao.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, may mga nanamantala sa kasalukuyang sitwasyon. May mga nagbebenta ng mask sa sobrang taas na presyo kaya marami na rin ang hindi na kaya pang bumili nito.

Sa isang bus, naiyak na lamang ang matandang babae dahil wala siyang suot na mask sa gitna ng napakadelikadong sitwasyon.

Sa kabutihang palad, isang lalaki ang nagbigay ng kanyang sariling mask sa matanda.

Sa kasalukuyan may mga napapabalitang mga tao na gumaling diumano sa pagkakasakit sanhi ng 2019 nCov. Maraming bansa na rin kabilang na ang Pilipinas na nagpatupad ng pag ban sa mga byahe ng eroplano mula sa Hubei, China.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel