Naka-recover sila: 243 pasyenteng tinamaan ng novel coronavirus sa China, nakauwi na

Naka-recover sila: 243 pasyenteng tinamaan ng novel coronavirus sa China, nakauwi na

- Nasa 243 na mga pasyenteng tinamaan ng 2019 novel coronavirus ang nakalabas na sa ospital

- Kinumpirma ito ng xinhuanet.com kung saan nagbahagi din sila ng video ng paglabas ng mga pasyente na masisigla na at animo'y walang bakas ng pagkakaroon ng nakamamatay na virus

- Siniguro ng mga ospital na maayos na talaga ang mga kalagayan ng pasyenteng ito sa pamamagitan ng mga lab test na isinasagawa sa mga pasyenteng tinamaan ng nCoV

- Samantala, nasa 9,750 ang bilang ng kumpirmadong may nCoV sa China

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magandang balita na maituturing ang paglabas ng 243 na mga pasyente sa Jinyintan Hospital na tinamaan ng kontrobersyal na 2019 novel coronavirus.

Ayon sa xinhuanet.com naka-recover ang mga pasyente na ito na ilang araw na inobserbahan sa pamamagitan ng mga lab test upang makasiguro ng tunay na kalagayan ng mga ito.

Mismong ang National Health Commission (NHC) ng China ang nakasaksi sa paglabas ng 71 na pasyente na masaya nang makakabalik sa kani-kanilang pamilya.

Ito ang unang pagkakataon na marami silang lumabas ng ospital. Nangangahulugan lamang na di lahat ng tinatamaan ng karamdaman na ito ay mas malaki ang posibilidad na pumaw.

Nitong Miyerkules, Enero 29, isang lalaki ang nakalabas na rin ng ospital.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dumaan na maigting na pagsusuri ang mga pasyenteng ito. Kinakailangang maging stable na ang pagbuti ng kalagayan nila hanggang tatlong araw bago masabing tuluyan na talagang magaling ang isang pasyenteng tinamaan ng nCoV.

Samantala, bagaman at may mga nakaligtas na, nagtala pa rin ng nasa 259 na katao ang namatay dahil sa respiratory disease na ito.

Ayon sa dailymail.co, tinatayang nasa 58 million na mga residente sa naka-quarantine ngayon kaya nag-animo'y ghost town na ang Wuhan dahil dito.

Sa Pilipinas, iisa pa rin ang kumpirmadong kaso ng 2019 nCoV. Ito ay ang babaeng mula mismo sa Wuhan at bumaba sa Cebu.

Nagawa pa nitong mag-travel patungong Dumaguete dahil wala pa umano siyang iniindang karamdaman noon.

Enero 30 nang i-anunsyo ng Department of Health ang unang kaso na ito ng novel coronavirus at kasalukuyang naka-admit ang 38-anyos na babaeng Chinese sa San Lazaro hospital sa Sta. Cruz, Manila.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel