Diskriminasyon sa mga Chinese, lalong lumalala dahil sa takot sa nCoV

Diskriminasyon sa mga Chinese, lalong lumalala dahil sa takot sa nCoV

- Nagdulot ng matinding pangamba ang kasalukuyang 2019 nCoV outbreak hindi lamang sa China kundi pati sa iba't-ibang panig ng mundo

- May mga kumpirmadong kaso na rin ng novel coronavirus sa iba't-ibang bansa sa Asya at Europa

- Dahil sa bago ang nasabing virus, mahirap pang tukuyin kung paano ito mapupuksa kaya itinuturing itong walang lunas sa kasalukuyan

- Kasunod nito, kumalat sa internet ang iba't-ibang kuwento at patunay ng nararanasang diskriminasyon ng mga Chinese

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maituturing na bagot at wala pang lunas ang epidemyang pinaniniwalaang nagmula sa Wuhan, China. Kumalat na ang virus sa maraming mamayan ng China kaya minarapat ng kanilang pamahalaan na isailalim sa lockdown ang ilang lungsod na napuruhan ng kinatatakutang virus.

Nauna ring ibinalita na pinaniniwalaang nagmula ang virus sa pagkain ng ilang hayop na hindi angkop para kainin kagaya ng mga exotic foods.

May mga turista namang nakaalis at nakapagbiyahe sa iba't-ibang panig ng daigdig bago pa abutan ng lockdown.

Mayroon ding iba na nanirahan na sa ibang bansa. SIla ang sinasabing kasalukuyang nakakaranas ng matinding diskriminaasyon dala na rin ng takot ng mamamayan na mahawa ng nCov.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi mapigilan ng ilang mamayan na umiwas sa mga CHineses lalo na at sa bansa nila nagmula ang virus.

Ilang mga Pinoy netizens na rin ang nagbahagi ng kanilang nasaksihan sa mga dinadanas ng mga Chinese.

Matatandaang pumutok ang balita tungkol sa virus noong Disyembre ng nakaraang taon. Gayunpaman, dahil hindi pa ito laganap, hindi ito masyadong natuunan ng pansin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel