Pagpasok ng ukay-ukay sa bansa, hihigpitan na ng Bureau of Customs

Pagpasok ng ukay-ukay sa bansa, hihigpitan na ng Bureau of Customs

- Kasabay ng pangamba sa banta ng nakamamatay na 2019-novel coronavirus, ibayong pag-iingat ang nakikitang panlaban dito

- Ang 2019-novel coronavirus (2019-nCoV) o ang virus na nagmula sa Wuhan, China at pinaniniwalaang nagmula sa paniki

- Sa kabila ng pahayag ng mga espesyalista na hindi ito maaaring mabuhay kung walang live host, mabuti na ang nag-iingat ayon sa Bureau of Customs

- Lalong hihigpitan ng (BOC) ang pagpasok ng mga ukay-ukay items na pumapasok sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maghihigpit ang Bureau of Customs (BOC) sa pagpasok ng mga "ukay-ukay" items sa bansa. Ito ay kaugnay sa banta ng nakamamatay na 2019-novel coronavirus (2019-nCoV) o ang virus na nagmula sa Wuhan, China.

Napag-alaman ng KAMI na hindi naaayon sa batas ang pagpasok ng mga second-hand na kasuotan mula sa ibang bansa para gamitin sa negosyo. Nakasaad sa Republic Act 4653 na hindi legat ang pagbebenta nito pero dahil sa lakas ng kita dito, marami pa rin ang lumulusot.

Ayon kay BOC assistant commissioner Vincent Maronilla, mas paiigtingin pa nila ang pagtitiyak na hindi makapapasok ang ukay items sa Pilipinas.

"Iyang ukay-ukay kaya banned iyan kasi may health issues diyan. We are not discounting that if ever na mayroon at dumaan 'yan sa any country affected by nCoV, that might be infected. There is a high risk na they might carry those viruses and we don't want that," ani Maronilla.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi pa napapatunayan na maaring maipasa ang virus mula sa mga bagay na kontaminado pero ayon sa BOC, mas maigi na ang nag-iingat.

Paglilinaw namang ng special envoy of the President for global health initiatives na si Dr. Susan Mercado, hindi maaring mabuhay ang 2019-nCov pag walang buhay na host dahil ito ay parasitic.

Hindi diumano maaaring magtagal ang virus sa mga bagay katulad ng kahon, damit, plastic, atbp.

Hihigpitan din ng BOC ang pagpasok ng exotic animals sa mga paliparan dahil hinihinalang sa wild animals nanggaling ang Wuhan virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel