Panagbenga Festival sa Baguio, kanselado bilang pag-iingat sa kumakalat na coronavirus

Panagbenga Festival sa Baguio, kanselado bilang pag-iingat sa kumakalat na coronavirus

- Inanunsyo ng Mayor ng Baguio City na kanselado ang lahat taunang pagdiriwang nila ng Panagbenga festival

- Napagkasunduan nila sa lungsod na kanselahin ang inaabangang pagdiriwang bilang pag-iingat sa paglaganap ng novel coronavirus sa kanilang lugar

- Lalo pa at sinasabing tumatagal ang virus na ito sa malalamig na lugar, mag pina-igting pa rin ril ang pag-iingat

- Sa ngayon, wala pang naiuulat na kaso ng nCoV sa Baguio kaya naman nais nilang pananatilihin ito kaya di na muna sila magpapasinaya ng kasiyahan para makaiwas sa pagpapapunta ng mga turista sa lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kanselado ang pinakahihintay na taunang pagdiriwang ng Panagbenga Festival ng Baguio City ngayong taon.

Ayon sa ABS-CBN, mismong ang alkalde ng lugar na si Mayor Benjamin Magalong sa isinagawa nilang press conference, isang araw bago sana ang opening ng naturang kasiyahan.

Dagdag pa ng The Cordillera Regional Athletic Association (CARAA), maging ang lahat ng mga aktibidad sa buong buwan ay kanselado na upang di na magkaroon pa ng rason ang mga maraming tao na dumayo sa kanilang lugar.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Deoartment of Health ang pinakaunang kaso ng 2019 novel coronavirus sa bansa kunga saan isang baaeng Chinese ang tinamaan nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinag-uusapang pa rin ng kanilang lokal na pamahalaan kung itutuloy parin nila ang Grand Street Parade and Grand Float Parade na naka-schedula sa Pebrero 29 at Marso 1.

Bagaman at wala pang naitatala maging kahina-hinalang kaso lamang ng nCoV sa lugar, mas lalo pa rin silang nag-iingat na huwag na sanang mapasukan pa ng taong may virus ang Baguio.

Taon-taong dinarayo ang Baguio sa pagdiriwang ng Panagbenga dahil ito raw "season og blooming" o ang panahon ng pamumukadkad ng bulaklak doon.

Isang buwan ang pagdiriwang nito kaya naman marami rin ang nalungkot sa desisyong ito. Gayunpaman, nauunawaan naman nila ng husto ang desisyon na ito na para rin sa kaligtasan ng bawat isa.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel