Pebrero na! "Paalala" ng isang Pinay psychic sa maaring maganap ngayong buwan, viral

Pebrero na! "Paalala" ng isang Pinay psychic sa maaring maganap ngayong buwan, viral

- Matatandaang nag-viral ang post ni "Mamu" patungkol sa maari raw maganap ngayong Pebrero sa bulkang Taal

- Nakita umano niyang Pebrero ang malakas na pagsabog ng bulkan at Taal ang kanyang tinutukoy

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang premonisyong ito ngunit paliwanag ni "Mamu" na hindi niya intensyong manakot

- Kasalukuyang nananahimik na ang bulkang Taal at marami na sa mga evacuees ang nakabalik na sa kani-kanilang mga tahanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila naalala ng mga netizens ang di umano'y pangitain ni Hayi Cruz o mas kilala bilang "Mamu" sa di umano'y maaring mangyari ngayong buwan ng Pebrero.

Matatandaang una nang naiulat ng KAMI noong Enero 23 na isang di umano'y nakakikilabot na pangyayari kaugnay sa pagsabog ng Taal ang maari raw maganap ngayong buwan ayon sa sinasabing gabay ni Mamu na si Marikit.

Gigimbal daw sa buong mundo ang pagsabog na ito at nabanggit din ang numerong 8. Di lamang matukoy ni Mamu kung ito ay petsa, oras o maaring lakas ng sinasabing pagsabog.

Noon pa ma'y nilinaw na ni Mamu na hindi niya nais manakot. Ang sa kanya lamang daw ay paalala at pagbibigay ng babala.

Sa kanyang post nito lamang Enero 31, pinaalala niyang Pebrero na at sana'y di raw mangyari ang kanyang nakita.

Umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens. Karamihan ay nagsasabing madadaan naman sa dasal ang lahat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Positive lang po tayo at prayers lang din po"
"Sana nga po, wag na matuloy sumabog ang bulkang taal"
"Nakalagay sa post ni mamu mas mlakas ang panalangin wala po sya tinatapakan na relihiyon. Ang dami nyang katulad nde nya tayo dinidiktahan. Free ang lahat sa choice nila."
"Mamu ipagdadasal ko po na sana po hindi na matuloy at magkaisa ang bawat pilipino para maiwasan ang pagsabog po ng taal"
"wag nman po sana ipag dasal po nating lahat na hndi mangyari ulit ang pagputok ng bulkan"
"Pray na wag n mangyare at matapos n kng ano man po nanyayare satin ibayong pagiingat s lahat"
"D na po un matutuloy mamu.nadadala po un sa prayers"

Samantala, kasalukuyang nananahimik na ang bulkang Taal at nakabalik na sa kani-kanilang mga tahanan ang karamihan ng mga evacuees.

Kasalukuyang nasa alert level 3 ang bulkan at maari pa ring makaranas ng paglindol at manaka-nakang volcanic ashfall sa loob ng 7km radius mula sa Taal.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel