Para lang daw sa mga Pinoy! Ilang Chinese sa Maynila, namigay ng libreng face mask

Para lang daw sa mga Pinoy! Ilang Chinese sa Maynila, namigay ng libreng face mask

- Viral ang larawan ng mga Chinese na naisipang mamigay ng face mask sa lahat ng dumaraan na Pinoy

- Ito ay matapos na kumpirmahin ng DOH na mayroon nang isang kumpirmadong kaso ng nCoV sa bansa

- Nagkaubusan na rin ng face mask sa mga bilihan kaya naman mas lalong nakaramdam ng pangamba ang ating mga kababayan

- Kahon-kahong face mask ang pinamigay ng ilang Chinese na para lamang daw sa mga Pilipino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang post ng netizen na si Cindy Arcangeles kung saan makikita ang ilang Chinese na namimigay ng face mask sa mga dumaraan.

Ayon sa post ng GMA correspondent na si Rex Remitio, sa Maynila raw nammimigay ang mga Chinese national matapos na kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang pinakaunang kaso ng 2019 novel coronavirus o nCoV sa bansa.

Matapos ding pumutok ang balitang ito, nagpanic buying na naman ang mag Pinoy ng mga face mask na kanilang magiging proteksyon sa nakamamatay na virus na nagmula di umano sa Wuhan, China.

Dahil dito, mabilis na nagkakaubusan na ang mga stock ng face mask sa mga pamilihan.

Ayon pa kay Cindy sa kanyang post, naantig pa rin ang kanyang puso sa pagpapakita ng pagmamalasakit ng mga Chinese na ito sa mga Pilipino.

Sa kabila raw ng tila mangungutya, paninisi at maging takot na rin na nararamdaman ng mga Pilipino sa Chinese, nagawa pa rin daw ng mga ito na tumulong sa paraang kaya nila.

Tila nakakalimutan daw nating hindi naman lahat ng Chinese ay may nCoV at di rin naman sila dapat na katakutan, pandirihan o mas lalo na ang pagpaparamdam sa kanila na di sila nararapat sa ating bansa.

Kahong-kahong surgical face masks ang kanilang pinamigay maging N95 mask ay namigay din sila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Kahit binubully at binabash niyo sila, tumutulong parin sila in their own ways. Let's all have unity, wag po tayong maging mapride at mambully. Not all chinese are the same. Please spread the good news!” pahayag ni Cindy sa kanyang viral post.

Enero 30 nang kumpirmahin ng DOH ang isang kumpirmadong kaso ng nCoV sa bansa.

Isang 38-anyos na Chinese national na mula Wuhan ang infected ng respiratory disease na ito at kasalukyan itong naka-admit sa San Lazaro hospital.

Dagdag pa ng DOH, ibayong pag-iingat at kaalaman ang kinakailangan upang makaiwas sa pagkakaroon ng nakamamatay na sakit na ito.

Ugaliing maghugas ng kamay sa bawat pagkakataon at hangga't maari ay umiwas na muna sa mataong lugar.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel