Mga Pinoy, dagsa sa pamimili ng face mask kontra coronavirus ngayong nagkakaubusan na ito

Mga Pinoy, dagsa sa pamimili ng face mask kontra coronavirus ngayong nagkakaubusan na ito

- Biglang dumagsa ang mga Pinoy sa pamimili ng face mask upang ipanglaban sa 2019 novel coronavirus

- Umaga pa lang bago magbukas ang tindahan ng medical supplies ay maraming mga Pinoy na ang nakapila sa labas nito

- Kaya naman, mabilis ding nagkakaubusan ang mga face masks sa iba pang mga tindahan sa Maynila

- Samantala, isang tindahan naman malapit sa LRT ang namigay ng mga libreng face masks sa mga tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maagang pumila ang mga Pinoy sa tindahan ng medical supplies sa Bambang para makabili ng face mask.

Nalaman ng KAMI na nagkakaubusan na rin ang mga face masks sa ibang tindahan matapos ang pagdagsa ng mga tao.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, biglang nagsibilihan ng face mask ang mga tao matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang kauna-unahang kaso ng novel coronavirus sa bansa.

"Umikot na ko sa lahat, simula doon hanggang dito, out of stock lahat. So nakakagulat lang na, all of a sudden, meron nang case dito sa Philippines tapos biglang out of stock na," sabi ng isang customer.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, isang medical depot malapit sa LRT-Bambang station sa Maynila ang namimigay ng libreng face masks sa mga tao.

Natuwa naman ang mga netizens sa kawanggawa na ginawa ng tindahan na ito. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Wow God bless you guys”
“Pagpalain nawa kayo ng Puong Maykapal sa inyong kawang gawa!”
“Pagpalain kayong lahat..di tulad ng iba mananamantala iipitin ang stock then taas presyo.thanks god.”
“sana lahat bilihan ng gamot kagaya ninyo”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nauna nang naibalita ng KAMI na kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may novel coronavirus ang babaeng Chinese na nasa ospital ng San Lazaro.

Ang 2019 novel coronavirus ay unang naibalita sa Wuhan, China. Ngayon ay nasa 213 ang naitalang namatay dahil sa coronavirus na ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel