Ilang Chinese, nakitaang may plastik na bote at plastik bag sa ulo pangontra sa coronavirus

Ilang Chinese, nakitaang may plastik na bote at plastik bag sa ulo pangontra sa coronavirus

- Trending sa social media ngayon ang mga taong nakabalot ng plastik panglaban sa 2019 novel coronavirus

- Kakaiba ang naging paraan ng mga tao at nagsuot ang mga ito ng plastik na bote sa kanilang ulo

- Samantala, ang iba naman ay plasik na bag ang suot sa itaas na bahagi ng kanilang katawan

- Ang mga netizens naman ay iba-iba ang naging reaksyon sa kakaibang paraan ng mga Chinese upang labanan ang coronavirus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tampok sa social media ngayon ang kakaibang pamamaraan ng mga tao para makaiwas sa nakamamatay na 2019 novel coronavirus.

Nalaman ng KAMI na bukod sa face mask, gumagamit na rin ang iba ng plastik na bote at plastic bag sa mukha.

Ayon sa ulat ng Rachfeed, makikita ang ibang mga taong nasa byahe nila na may nakasuot na plastic na bote sa ulo.

Samantala, ang iba naman ay may suot din na plastik bag sa itaas na bahagi ng kanilang katawan upang maprotektahan ang sarili nila

Tila kanya-kanyang paraan na ang mga tao para lang maka-iwas sa virus na nasa 170 na ang kataong pinapatay sa China.

Iba-iba rin ang opinion ng mga netizens sa kakaibang panangga ng mga tao sa coronavirus. Narito ang kanilang mga komento sa Facebook:

“Don’t laugh, that’s Guangzhou, the city has order of mandatory to wear masks in public. Due to shortage of masks, not everyone could get whole of any and they have to go out. They don’t have much choice.”
“Extreme situation calls for extreme measures. Very creative.”
“Super clever creative”
“The people there must be desperate n situation chaotic. Poor thing”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna nang naibalita ng KAMI na kamakailan nga lang ay isang Chinese na babae ang namataang may novel coronavirus sa Ospital ng San Lazaro sa Maynila.

Ang kauna-unahang kaso ng 2019 novel coronavirus ay naitala sa Wuhan, China. Samantala, nasa 213 na ang mga taong namatay dahil sa virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel