Lalaki sa China, nagmagandang loob mamigay ng face masks sa mga pulis

Lalaki sa China, nagmagandang loob mamigay ng face masks sa mga pulis

- Tampok sa social media ngayon ang isang lalaking Chinese dahil sa kabutihang ginawa niya

- Ayon sa isang video, nakita ang lalaki na bigla na lang nag-abot ng face masks sa desk ng police station

- Bago pa mapasalamatan ng mga pulis ang lalaki ay agad na rin itong umalis sa police station

- Samantala, ang mga netizens naman ay tuwang-tuwa sa kabaitang ipinamalas ng Chinese na lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang lalaki sa China ang bigla na lang nag-iwan umano ng 500 na face masks sa pulisya.

Nalaman ng KAMI na ang lalaki ay may bitbit na sampung box ng face mask nang dumating siya sa police station.

Ibinahagi ng South China Morning Post ang video kung saan makikita ang lalaking nagmadali ring umalis matapos ibigay ang mga face mask.

Nagpasalamat din umano ang lalaki sa serbisyo ng pulisya. Tila hindi na naabutan ng mga pulis ang lalaking ito para magpasalamat man lang.

“A man in China left 500 face masks at a police station - then jogged off before officers could thank him,” giit nito sa caption.

Samantala, naantig naman ang puso ng mga netizens sa kabutihang ipinamalas ng lalaki para sa mga pulis.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“The good man never die”
“Not just hero, but an angel..”
“I can't help but burst out in tears”
“I'm so touched by that man's kindness that I'm litetally crying.”
“mabuti yan namimigay ng face masks. hindi binebenta ng sobrang mahal pag kailangang kailangan ng mga tao”
“It’s the small things in life. Good man. To him it probably wasn’t much of a big deal, but to the officers it could be life saving.”
“nakaka proud ang bait ni Kuya.. Pero wag mag titiwala agad.x baka kasi ung mga mask naun ehh Isa isang sinuot ng may corona virus na at gustong mag damay... safety first po... pero hanga ako kay Kuya...”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Unang naiulat ng KAMI na kinumpirma na ng Department of Health (DOH) ang kauna-unahang kaso ng 2019 novel coronavirus sa Pilipinas.

Ang isang 38 anyos na Chinese na may coronavirus ay namataan sa ospital ng San Lazaro sa Maynila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel