Mula Enero 21: Chinese na positibo sa nCoV, nasa Flight ng Cebu Pac at PAL

Mula Enero 21: Chinese na positibo sa nCoV, nasa Flight ng Cebu Pac at PAL

- Kinumpirma ng DOH na Cebu Pacific at Philippine Airlines flight ang sinakyan ng Chinese na may nCoV mula pa nang dumating ito sa bansa noong Enero 21

- Mula Hong Kong, lumipad ito patungong Cebu sakay ng Cebu Pacific gayundin sa kanyang biyahe patungong Dumaguete

- Philippine Airlines naman ang flight na nasakyan nito papunta sa Maynila kung saan na siya nalagak sa ospital ng San Lazaro sa Sta. Cruz Manila

- Isang araw mula nang i-anunsyo ang pinakunang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus, kinumpirma na rin ang pagtaas ng bilang ng hinihinalang tinamaan ng nakamamatay na respiratory disease

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inanunsyo ng Department of Health ang pinakaunang kaso ng novel coronavirus sa bansa nitong Huwebes, Enero 30.

Ayon mismo kay Health Secretary Francisco Duque III, isang 38-anyos na babaeng Chinese national ang nagpositibo sa nCoV at kasalukuyang naka-admit sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Mula nang ito ay kanilang nakumpirma, agad na nagsimula ang DOH na mag-imbestiga at mangalap ng impormasyon patungkol sa mga napuntahan at nakasalamuha ng pasyente.

Nalaman ng KAMI na dumating ito sa bansa noong Enero 21 lulan ng Cebu Pacific flight.

Mula Cebu, nagtungo naman ito ng Dumaguete at lumipad sakay muli ng Cebu Pac.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Galing naman sa Dumaguete, lumipad ito patungong Maynila sakay ng Philippine Airlines flight.

Noong Enero 25, kumonsulta na ito sa doktor dating sa pag-ubo. Makalipas pa ng limang araw bago nakumpirmang novel coronavirus nga ang dinaramdam nito.

Ayon pa rin kay Duque, kasalukuyang asymptomatic ang pasyente o wala nang sintomas ng dinaramdam na nakamamatay na respiratory disease ngunit patuloy pa rin ang pagmonitor nila dito.

Isang araw matapos ang kumpirmasyong ito, inanunsyo rin nd DOH ang pagtaas ng bilang ng hinihinalang kaso ng nCoV mula 23 hanggang 56.

Paalala nilang maging mas maingat at hangga't maari ay umiwas muna sa mataong lugar.

Ugaliing maghugas lagi ng kamay at huwag na munang mag-beso, maghawak ng kamay ng iba kung di naman talaga kinakailangan.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel