Sabwatan daw! Kampo ni Pastor Quiboloy, nagsalita na kaugnay ng raid sa LA

Sabwatan daw! Kampo ni Pastor Quiboloy, nagsalita na kaugnay ng raid sa LA

- Nagsabwatan umano ang mga dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ upang pabagsakin si Pastor Apollo Quiboloy, ayon sa spokesperson nito

- Kasunod ito ng pag-aresto ng FBI sa tatlong administrator ng simbahan ni Quiboloy sa LA

- Itinanggi rin ng kampo ni Quiboloy ang akusasyon na sangkot sila sa immigration fraud at human trafficking

- Nagbigay naman ng pahayag ang Palasyo kaugnay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsabwatan umano ang mga dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ upang pabagsakin si Pastor Apollo Quiboloy, ayon sa spokesperson nito na si Israelito Torreon.

Sinabi rin ni Torreon na matagal na nilang alam ang tungkol dito.

Ayon sa ulat ng Rappler, sinabi ni Torreon na nag-ugat ang sabwatang ito noong iutos ni Quiboloy na magsagawa ng financial audits sa mga miyembro nito.

Kasunod ito ng pag-aresto ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa tatlong administrator ng simbahan ni Quiboloy sa LA, na una nang naibalita ng KAMI.

Base sa ulat, ilang migranteng nakatakas mula sa simbahan ang nagsumbong matapos umano silang ipadala sa iba’t ibang parte ng Estados Unidos upang manghingi ng donasyon para sa simbahan.

“What we are facing is actually a criminal complaint filed by the FBI before the district court of California. We are ready, able, and willing to show and prove the innocence of the administrators of the Kingdom of Jesus Christ.

"We will show to you that this is a nothing but a grand conspiracy of lies concocted by former members of the kingdom who struck an alliance with forces who have an axe to grind against Pastor Apollo C. Quiboloy. They are into this grand conspiracy to put to shame PACQ,” sabi ni Torreon.

Labis daw na ikinalungkot ni Quiboloy ang pangyayaring ito dahil "malapit" daw dito ang mga tao sa likod ng mga alegasyong ito.

Sabi pa sa ulat, sinabi ng FBI na inaresto ang tatlong miyembro ng KJC dahil sa immigration fraud ngunit iniimbestigahan pa kung maaaring idagdag dito ang kaso ng human trafficking.

Disyembre nang akusahan ng dating miyembro nito na si Blenda Portugal si Quiboloy at limang iba pa ng rape at trafficking.

Pero itinanggi ang lahat ng ito ng kampo ni Quiboloy.

Kilalang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte si Quiboloy pero ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo: “You must remember that if a crime is committed in any country, then the laws of that country will have to be followed."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel