Chinese na may pinakaunang kaso ng coronavirus sa Pinas, nasa San Lazaro hospital

Chinese na may pinakaunang kaso ng coronavirus sa Pinas, nasa San Lazaro hospital

- Mismong si DOH Secretary Francisco Duque III ang nagkumpirma na kasalukuyang naka-admit sa San Lazaro hospital sa Sta. Cruz, Manila ang Chinese national na kumpirmadong may coronavirus

- Ito ang pinakaunang kaso ng nCoV sa bansa

- Mula mismo ito sa Wuhan, China ngunit lumipad mula Hong Kong patungo sa Pilipinas

- Sa loob ng apat na araw, nakapunta na agad ito sa Cebu at Dumaguete

- Simpleng ubo lamang ang kanyang nirereklamo noong Enero 25 kung saan na siya nagpatingin sa doktor

-Napag-alaman na mga flight ng Cebu Pacific at Philippine Airlines ang sinakyan ng 38’anyos na babae patungo ng Cebu at Dumaguete

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumpirma mismo ng Department of Health na nasa San Lazaro Hospital sa Maynila ang babaeng nagpositibo sa coronavirus.

Sa unang balita ng KAMI nabanggit na mismong mula sa Wuhan, China ang babae ngunit nagbiuyahe ito mula HongKong patungo sa bansa.

Dumating ito ng Enero 21 sa bansa at nagawa agad nitong magpunta sa Cebu at Dumaguete.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Napag-alaman ding sumakay ito ng flight ng Cebu pacific patungo ng Dumaguete.

Philippine Airlines flight naman ang nagdala sa kanya mula Dumaguete pabalik ng Maynila.

Ayon sa GMA news, kinumpirna ni Health undersecretary ang impormasyong ito bilang panimula ng kanilang pangangalap sa mga taong nakasalamuha ng 38-anyos na Chinese national.

Enero 25 nang magpacheck-up ito dahil lamang sa simpleng ubo.

Sa tulong ng mga lab test gamit ang mga pasilidad mula Australia, nakumpirma nilang positibo ito sa nCoV.

Patuloy pa rin ang contact tracing na isinasagawa ng ng DOH upang mahanap ang mga nakasalamuha ng babaeng ito na may posobilidad na magkaroon din ng nakamamatay na respiratory virus na ito.

Kasalukuyan itong asymptomatic o wala nang pinakikitang anumang sintomas ng respiratory infection.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel