Paniki sa Mindanao, nag-positibo sa isang strain ng coronavirus

Paniki sa Mindanao, nag-positibo sa isang strain ng coronavirus

- Nakita sa kanilang pag-aaral na isa sa 49 na paniki ay may betacoronavirus at mayroon itong 2.04% detection rate

- Samantala, hindi naman daw dapat ikatakot ng mga Pinoy ang virus na nakita sa paniki sa Mindanao

- Isang kaso na ng 2019 novel coronavirus ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) sa Pilipinas

- Isang pag-aaral ang ginawa ng University of the Philippines Mindanao sa mga paniki sa rehiyon na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nalaman ng KAMI na namataan ang isang betacoronavirus sa paniking pinag-aralan ng mga eksperto.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, ang virus ay nakita sa isang long-tongued nectar bat matapos ang kanilang tatlong taong pag-aaral.

"Bats have been known to be reservoir of viruses. And ibig sabihin ng reservoir, they carry the viruses in their body but they are not affected by the viruses," giit ni Lyre Anni Murao na lider ng research.

"Coronaviruses have been living with these bats for a very long time already. Interestingly, we also found out that these coronaviruses belong to a different group compared to the SARS and the MERS coronaviruses,” dagdag nito.

Isa sa 49 na paniki na kanilang pinag-aralan ang nagpositibo sa betacoronavirus at may 2.04% itong detection rate.

Samantala, paliwanag naman ni Dr. Ferchito Avelino ng Epidemiology Bureau sa Department of Health (DOH), ang novel coronavirus ay mula sa virus family ng SARS at MERS na betacoronavirus.

"'Yung MERS, 'yung SARS, 'yung nCoV are all family ng betacoronavirus. Sila ang known to have caused mga severe type of respiratory tract infection," giit niya.

Subalit, hindi naman daw dapat ikatakot ng mga tao ang virus na natagpuan sa paniki na pinag-aralan nila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nauna nang naibalita ng KAMI na kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang kauna-unahang kaso ng 2019 novel coronavirus na unang natagpuan sa Wuhan, China.

Ngayong Miyerkules ng umaga ay nasa 170 na ang naitalang namatay sa China dahil sa novel coronavirus. Samantala, nasa lagpas 7,000 na ang naitalang kaso ng novel coronavirus sa buong mundo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel