Volunteer nurses at doctors sa Wuhan hospital, emosyonal na namaalam sa kanilang pamilya

Volunteer nurses at doctors sa Wuhan hospital, emosyonal na namaalam sa kanilang pamilya

- Nag-viral ang mga larawan ng volunteer nurses at doctors na namamaalam sa kanilang mga pamilya at mahal sa buhay

- Sila ang dadalhin sa bagong tayong ospital sa Wuhan kung saan ang mga pasyente ay puro mga novel coronavirus infected lamang

- Emosyonal ang kanilang pamamaalam dahil walang kasiguraduhan ang kanilang kalusugan sa nakamamatay na novel coronavirus

- Sinasabing sa Wuhan, China ang pinagmulan ng kinatatakutang virus na ito at kasalukuyang naka-lockdown ang lugar dahil sa outbreak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang mga larawan ng mga volunteer nurses at doctors na pupuntang Wuhan para makipagsapalaran sa mga pasyenteng infected ng novel coronavirus.

Binahagi ng Nurses Inspire Nurses Worldwide sa kanilang Facebook page ang emosyonal na tagpong ito.

Nakakaantig ng damdamin ang mga larawan lalo pa at walang kasiguraduhan ang kaligtasan nila.

Tinawag itong "suicide mission" sapagkat maswerte na silang maituturing kung hindi sila tamaan ng nakamamatay na sakit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mabilis na tinatapos ang ospital sa Wuhan na sinasabing pagdadalahan ng lahat ng mga pasyenteng naghihirap sa epekto ng coronavirus.

Enero 24 nang mag-groundbreaking ang ospital sa Wuhan na inaasahang matatapos sa Pebrero 3.

Ginawa nila ito upang pagsama-samahin ang mga pasyenteng tinamaan ng nakamamatay na respiratory virus na ito at di na namakahawa pa sa ibang pasyente.

Dalawa ang itinatayong ospital. Isa ay tatawaging Huoshenshan at ang isa Leishenshan hospital. Inaasahang nasa 2,300 na pasyente ang kaya nitong tanggapin.

Nilampasan na ng coronavirus na ito ang bilang ng mga infected ng nakamamatay ding virus na SARS noong 2003.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel