Vanessa Bryant, naglabas na ng emosyonal na pahayag ukol sa sinapit nina Kobe at Gianna

Vanessa Bryant, naglabas na ng emosyonal na pahayag ukol sa sinapit nina Kobe at Gianna

- Naglabas na ng pahayag si Vanessa Bryant ukol sa pagkamatay ng mister na si Kobe Bryant at anak nilang si Gianna

- Labis na nagpasalamat si Vanessa sa lahat ng sumuporta at nakidalamhati sa biglaang pagpanaw ng dalawang mahal niya sa buhay

- Labis ang sakit na nararamdaman niya at di niya raw ito kayang ipaliwanag

- Aminado siyang di niya alam sa ngayon kung paano ipagpapatuloy ang kanilang buhay ngayong wala na sina Kobe at Gianna

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang nasa apat na araw mula nang maganap ang malagim na trahedya sa NBA star na si Kobe Bryant at anak nitong si Gianna, naglabas na ng pahayag ang ilaw ng kanilang tahanan na si Vanessa Bryant.

Emosyonal ang Instagram post ni Vanessa na sa unang pagkakataon ay naglabas ng saloobin tungkol sa sinapit ng kanyang mag-ama.

Nagpasalamat siya sa lahat ng nagpaabot ng pakikiramay at pakikidalamhati sa pagpanaw ng di lamang isa kundi dalawa sa mga mahal niya sa buhay.

Bakas ang pighati ni Vanessa na sinabing kailangan pa nila sina Gianna at Kobe sa kanilang buhay.

Nilarawan niya si Kobe bilang "adoring husband" at "amazing father of our children."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Di rin daw niya mailarawan ang labis na sakit na kanilang nadarama ngayon.

Aminado rin siyang hindi niya alam kung paano nila haharapin ang mga susunod na araw ng kanilang buhay mag-iina ngayong wala na sina Kobe at Gianna.

Hiniling din ni Vanessa na magkaroon sila ng "privacy" sa matinding pinagdaraanan ngayon ng kanilang pamilya.

At para makatulong sa mga pamilya ng mga kasama nina Kobe at Gianna na nasawi sa helicopter crash noong Enero 26 ng umaga, nagtayo ang Mamba Sports Foundation ng MambaOnThree Fund.

Sa mga nais daw na magpadala ng tulong, bisitahin lang MambaOnThree.org.

Narito ang kabuuan ng emosyonal na post ni Vanessa na mabilis na na-viral ilang oras mula nang ito'y kanyang mai-post:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel