Simbahang Katoliko, may paalala sa mga magsisimba ngayong laganap ang novel coronavirus

Simbahang Katoliko, may paalala sa mga magsisimba ngayong laganap ang novel coronavirus

- Maraming mga Pinoy nga ang nangangamba ngayon sa kumakalat na 2019 novel coronavirus sa ibang bansa

- Kaya naman, naglabas ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng “Oratio Imperata” na dadasalin sa bawat misa

- Nagbigay din ng paalala ang CBCP sa mga magsisimba ngayong may pangamba nga ang mga Pinoy dahil sa coronavirus

- Ang paghahawak-kamay tuwing kinakanta ang “Ama Namin” ay hindi na hinihikayat sa ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay naglabas ng “Oratio Imperata” o special prayer ngayong nagkalat ang novel coronavirus sa ibang mga bansa.

Nalaman ng KAMI na ang dasal na ito ay dadasalin sa mga misa simula Pebrero 2, Pista ng Pagtatanghal ng Panginoon.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, ang dasal na ito ay inaasahang gagawin sa bawat misa matapos ang komunyon.

"In praying, we invite ourselves with all our brothers and sisters suffering with the disease brought by the virus, bring up to God our longing for them to be restored to full health and humbly pray that we may be spared from infection of this virus," sabi ni Rev. Fr. Marvin Mejia, ang secretary general ng CBCP.

Bukod sa espesyal na panalangin, may mga paalala rin ang CBCP:

  1. Ang pagkuha ng komunyon gamit ang kamay ay hinihikayat upang maibsan ang takot ng mga tao ukol sa coronavirus
  2. Ang mga simbahan ay dapat laging tinitignan at pinapalitan ang mga Holy Water na nakalagay sa harap ng simbahan
  3. Maaari ring maglagay ng tela bilang proteksyon habang nangungumpisal
  4. Hindi na rin hinihikayat ng simabahan ang paghahawak-kamay tuwing kinakanta ang “Ama Namin” at ang pagkakakamay tuwing Sign of Peace

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang 2019 novel coronavirus ay unang naitala sa Wuhan, China. Nasa lagpas 130 na ang mga taong naibalitang pumanaw dahil dito.

Hanggang sa ngayon ay wala pa ring kumpirmadong kaso ng novel coronavirus dito sa Pilipinas, ayon sa Department of Health.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel