Mga OFW sa China, dinalhan ng supplies ang mga kapwa Pinoy sa Wuhan

Mga OFW sa China, dinalhan ng supplies ang mga kapwa Pinoy sa Wuhan

- Nagbigay ng update ang isang OFW tungkol sa mga kababayan nating nasa loob ng Wuhan sa China

- Ang Wuhan ang sinasabing pinagmulan ng nakamamatay na novel coronavirus na kinatatakutan ng buong mundo

- Nagdala ng ilang mga supplies tulad ng pagkain at tubig ang mga OFW sa mga Pinoy na nasa loob ng Wuhan

- Humanga ang mga netizens sa ginawa na ito ng mga Pinoy na nagpapakita lamang na kahit saan mang bahagi ng mundo ay kinakikitaan parin ng pagtutulungan at pagmamalasakit sa bawat isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang video na binahagi ni Bornak Ismali kung saan pinakita ang kalagayan ng ating mga kababayan sa China partikular na sa Wuhan, China.

Ang Wuhan sa Hubei, China ay kasalukuyan ngayong naka-lockdown dahil sa umano'y outbreak ng nakamamatay na novel coronavirus. Ito raw kasi ang sinasabi na pinagmulan ng kinatatakutang virus.

Kaya naman naisipan ng ilang kababayan natin sa China na magdala ng supply sa mga Pinoy na naipit sa lockdown na ito sa Wuhan.

Nababalita na kasi roon ang panic buying dahil pinagbabawalan na silang lumabas ng kani-kanilang bahay.

Makikita pa sa mga video na nagkakagulo sa pagbili sa mga supermarket at minsan nagkakaubusan pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, di nagdalawang isip ang mga OFW na naroon na maglikom ng tulong at donasyon na maibibigay sa mga kababayang di na makalabas sa Wuhan.

Pinakita rin sa video na ito'y kanilang natanggap at nasa maayos pa ring kalagayan.

Ang ilan ay nagsabi pang huwag masyadong mag-aalala dahil may mga doktor naman daw sa lugar na handang tumulong sa kanila.

Narito ang kabuuan ng video:

Samantala, wala pa ring kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa bansa. Nasa 23 na pasyente sa buong Pilipinas ang patuloy na inoobserbahan.

Isa na rito ang una nang naiulat ng KAMI na 29-anyos na Chinese na pumanaw na noong Enero 29. Kinumpirma naman ng San Lazaro Hospital na hindi novel coronavirus ang ikinamatay nito kundi pneumonia.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel