Misis ni Kobe Bryant na si Vanessa, nag-update ng kanyang social media account

Misis ni Kobe Bryant na si Vanessa, nag-update ng kanyang social media account

- Nagpalit ng profile photo sa kanyang Instagram account ang misis ni Kobe Bryant na si Vanessa Bryant

- Ang larawang ginamit nito ay ang larawan ni Kobe at ng anak na si Gianna na kasamang nasawi sa helicopter crash noong Linggo

- Kuha ito noong huling laro ni Kobe taong 2016 sa Toronto at suot naman ni Gianna ang no. 24 West All-Stars jersey ng ama

- Bukod dito, ginawa na ring public ni Vanessa ang kanyang Instagram account noong Miyerkules

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpalit ng profile photo sa kanyang Instagram account ang misis ni Kobe Bryant na si Vanessa Bryant sa gitna ng pagluluksa sa pagkamatay ng NBA legend at ng anak nilang si Gianna.

Ang bagong profile picture ni Vanessa ay larawan nina Kobe at Gianna.

Kuha ito noong huling laro ni Kobe taong 2016 sa Toronto at suot naman ni Gianna ang no. 24 West All-Stars jersey ng ama.

Nakayapos si Gianna sa ama habang puno naman ng pagmamahal na nakatingin sa Kobe sa anak na sumunod sa kanyang yapak bilang basketball superstar.

Bukod dito, ginawa na ring public ni Vanessa ang kanyang Instagram account noong Miyerkules, ayon sa ulat ng NY Daily News.

Laman ng Instagram ni Vanessa ang mga larawan na nagpapakita ng kanilang napakagandang pamilya.

Matapos ang malagim na trahedya na kinasangkutan ng mag-ama kasama ng pitong iba pa, marami ang concerned sa lagay ng mga naulila ng mga ito lalo na ang Bryant family.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang pahayag mula sa pamilya ng legend na si Kobe.

Samantala, ayon sa huling update ng mga awtoridad, narekober na ang mga labi ng siyam na sakay ng chopper.

Apat sa mga ito ang nakilala na kabilang ang labi ni Kobe.

Isang video naman ang ibinahagi ng National Transportation Safety Board kung saan ipinakita ang malapitang kuha sa crash site, na una nang naibalita ng KAMI.

Si Kobe ay isang Philadelphia native at 20 taong naging bahagi ng Lakers.

Nagkamit ito ng limang NBA championships at 18 All-Star titles bago ito nag-retiro noong 2016.

Siya ang kauna-unahang guard sa NBA history na nakapaglaro sa loob ng 20 seasons.

Patuloy itong nagkamit ng tagumpay at pagkilala hanggang sa mapilitan itong mag-retiro noong 2015/16 season dahil sa injuries sa tuhod at balikat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

POPULAR: Read more viral stories here!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel