Malapitang video sa crash site ng helicopter ni Kobe Bryant, isinapubliko

Malapitang video sa crash site ng helicopter ni Kobe Bryant, isinapubliko

- Isang video ang ibinahagi ng National Transportation Safety Board kung saan ipinakita ang malapitang kuha ng nag-crash na helicopter ni Kobe Bryant

- Sa video, makikita ang masusing pag-iimbestiga ng mga opisyal sa mga bahagi ng helicopter

- Ipinakita rin dito ang overhead views ng crash site

- May ilang hindi nagustuhan ang pagbabahagi ng video sa publiko ngunit ayon sa NTSB ay bahagi ito ng kanilang mandato upang makaiwas sa katulad ng aksidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang video ang ibinahagi ng National Transportation Safety Board kung saan ipinakita ang malapitang kuha ng nag-crash na helicopter ni Kobe Bryant kung saan nasawi ang NBA legend at ang anak nitong si Gianna kasama ng pitong iba pa.

Sa nasabing video, makikita ang masusing pag-iimbestiga ng mga opisyal sa wreckage ng helicopter bago ito dalhin sa isang laboratory para i-reassemble.

Ipinakita rin dito ang overhead views ng crash site at tinatayang nasa 600-ft kung saan nagkalat ang mga debris sa isang hillside sa Calabasas, California.

Una nang sinabi ng NTSB na ang chopper ni Kobe ay walang terrain alarm system na nakatulong sana para naiwasan ang aksidente, batay sa ulat ng NY Daily News.

“So we know this was a high-energy impact crash, and the helicopter was in a descending left bank,” ayon kay NTSB member Jennifer Homendy.

“This is a pretty steep descent at high speed, so it wouldn’t be a normal landing speed,” dagdag pa nito.

May ilang hindi nagustuhan ang pagbabahagi ng video na na-upload sa Twitter at tinawag itong "disrespectful", ngunit ayon sa NTSB ay bahagi ito ng kanilang mandato na ipaalam ito sa publiko at upang makaiwas sa katulad na aksidente.

Samantala, narekober na ang mga katawan ng siyam na biktima kabilang na ang mga labi ni Kobe Bryant na nakumpirma dahil sa finger print nito.

Una nang naiulat ng KAMI, ang patuloy na imbestigasyon sa sanhi ng crash at isang audio footage ang lumabas kung saan maririnig pa ang huling komunikasyon sa piloto.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isang report ng KAMI, viral sa social media ang video ng huling gabi ni Kobe Bryant kung saan naka-bonding nito ang anak na si Bianka.

POPULAR: Read more viral stories here!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel