Kobe Bryant's death: Mga huling minuto bago ang helicopter crash

Kobe Bryant's death: Mga huling minuto bago ang helicopter crash

- Narekober na ang siyam na katawan ng mga nasawi sa helicopter crash sa Calabasas, California kabilang na ang NBA legend na si Kobe Bryant

- Una nang sinabi ng mga awtoridad na posibleng ang kondisyon ng panahon ang isa sa naging sanhi ng aksidente

- Ngunit patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kung ano ang naging dahilan para mag-crash ang helicopter

- Isang audio footage na rin ang lumabas kung saan maririnig ang huling komunikasyon sa piloto ng helicopter

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narekober na ang siyam na katawan ng mga nasawi sa helicopter crash sa Calabasas, California kabilang na ang NBA legend na si Kobe Bryant at ang anak na si Gianna.

Bukod sa mag-ama, nasawi rin ang pitong iba pa kabilang na ang piloto na si Ara Zobayan.

Una nang sinabi ng mga awtoridad na posibleng ang kondisyon ng panahon ang isa sa naging sanhi ng aksidente.

Ngunit patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kung ano ang naging dahilan para mag-crash ang helicopter.

Bago ang trahedya, nakita pa si Kobe sa isang mall noong Sabado ng gabi kasama ang 3-year-old na anak na si Bianka, na una nang naibalita ng KAMI.

Papunta sana ang grupo ni Kobe sa Mamba Sports Academy sa Thousand Oaks, California para sa isang basketball game kung saan kasali si Gianna at ang dalawa pang nasawi na sina Alyssa Altobelli at Payton Chester.

Bandang 9:21 a.m. nang makita naman ang helicopter ni Kobe na paikot-ikot sa Glendale, California.

Sa isang air traffic control audio maririnig na humingi ng special visual flight rules clearance ang pilotong si Ara.

Ang SVFR clearance ay ibinibigay lamang sa mga piloto kung ang kondisyon ng panahon ay "worse than those allowed for regular visual flight rules".

9:24 a.m. sinabi ng isang air traffic controller na "it's gonna be a little bit".

"OK, we'll continue holding," sagot naman ng piloto.

Pero nagkaroon ng delay dahil sa traffic ayon sa isang National Transportation Safety Board member.

9:33 a.m. nang makitang papunta sa direksyong norte ang helicopter. Sinabi naman ng Air traffic control sa piloto na "follow the 5 Freeway" at i-maintain ang SVFR conditions.

Nag-reply naman ang piloto: "Maintain special VFR at or below 2500, I-5 northbound."

Maya-maya pa, sinabi ng Burbank air traffic controller na mag-switch ito sa Van Nuys air traffic control.

Kinontak naman ng piloto ang Van Nuys air traffic control: "Van Nuys, Helicopter 2EX with you for the special VFR transition. We are currently at 1400."

Sumagot naman ang controller: "Wind calm, visibility 2 1/2 , ceiling 1100 overcast, Van Nuys altimeters 30.16. Cleared into Van Nuys Class D northeast of Van Nuys."

Humiling pa raw ang piloto ng "radar assistance" upang makaiwas sa traffic.

Pero sinabi rito ng air traffic control na ang helicopter ay "too low" para rito.

Maya-maya sinabi ng piloto sa air traffic control na susubukan nitong iwasan ang cloud layer. Ito na ang huling narinig mula sa piloto.

9:42 a.m. sinubukan pang kontakin muli ng air traffic controller ang piloto ngunit wala nang response mula rito.

9:45 a.m. nawala na sa radar ang helicopter ni Kobe.

9:47 a.m. isang 911 call ang natanggap ng mga awtoridad tungkol sa crash.

Sa isang report ng KAMI, ibinahagi naman ng American singer at actress na si Jessica Simpson ang larawan ng kanilang likod-bahay na nakuhanan nila ng asawa kung saan malapit ang crash site.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Bryant ay isang Philadelphia native at 20 taong naging bahagi ng Lakers.

Nagkamit ito ng limang NBA championships at 18 All-Star titles bago ito nag-retiro noong 2016. Siya ang kauna-unahang guard sa NBA history na nakapaglaro sa loob ng 20 seasons.

Patuloy itong nagkamit ng tagumpay at pagkilala hanggang sa mapilitan itong mag-retiro noong 2015/16 season dahil sa injuries sa tuhod at balikat.

POPULAR: Read more viral stories here!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel