Giant mural sa basketball court sa Taguig, alay sa yumaong NBA star na si Kobe Bryant

Giant mural sa basketball court sa Taguig, alay sa yumaong NBA star na si Kobe Bryant

- Bilang pagpupugay sa yumaong NBA star na si Kobe Bryant, pinintahan ng giant mural ang isang basketball court sa Taguig

- Ayon sa mga Tenement Artist, nasa 18 oras nila itong binuo at matinding sakripisyo ang ginawa nila bilang alay sa NBA legend

- Mahal daw kasi ng mga Pinoy si Kobe kaya ito raw ang isang magandang paraan upang ipaalala ang kanyang mga nagawa di lamang sa larangan ng basketball maging sa pagiging isang mabuting ama

- Nagsindi rin sila ng kandila na alay kina Kobe at anak nitong si Gianna

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw pansin ang napakalaking mural sa mismong basketball court sa isang tenement sa Taguig.

Nalaman ng KAMI na makikita roon ang larawan ng mag-amang sina Kobe Bryant at anak nitong si Gianna na nasawi sa helicopter crash noong Enero 26.

Ayon sa mga Tenement Artists na gumawa ng mural, ito raw ang kanilang paraan upang magbigay pugay sa NBA legend.

"Nagbibigay tribute, nagbibigay respeto at pagmamahal para sa isang extraordinary, one of a kind athlete, arguably the best to ever play the game of basketball, Kobe Bryant," ayon kay Mike Swift o mas kilala na Mr. Pinoy Hoops na sumuporta rin sa proyekto.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naglaan ng nasa 18 oras o halos maghapon ang mga artists para sa mural na ito ni 'Black Mamba' at kanyang anak.

Nag-alay din ng mga kandila ang mga naroon para sa mundong nagdadalamhati sa pagkamatay sa isa sa pinakamahusay na manlalaro sa larangan ng basketball sa buong mundo.

Maging ang mga mall sa buong Pilipinas ay nag-alay din ng pagpupugay kay Bryant sa pamamagitan ng kanilang pailaw na kulay purple at gold. Una itong naiulat ng KAMI.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel