Sinakyang helicopter ni Kobe Bryant, namataang paikot-ikot bago tuluyang bumagsak

Sinakyang helicopter ni Kobe Bryant, namataang paikot-ikot bago tuluyang bumagsak

- Nakunan ng video malapit sa pinagbagsakan nito ang helicopter na sinasabing sinakyan ni Kobe Bryant

- Makikitang may nangyayaring kakaiba sa helicopter na nagpaikot-ikot ng ilang minuto bago ito tuluyang bumagsak

- Tumagal din daw ng nasa 12-13 minuto ang pag-ikot nito at mas mababa raw kaysa sa normal ang lipad nito ayon sa isang piloto

- Nito lamang umaga ay na-recover na ang mga bangkay ng mag-amang sina Kobe at Gianna at walo pang sakay ng naturang helicopter

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakunan ng video ang di umano'y sinasakyang helicopter ni Kobe Bryant bago ito mag-crash noong Enero 26.

Nalaman ng KAMI na nagpaikot-ikot pa umano ang helicopter bago ito tuluyang bumagsak.

Ayon sa Storyful ng Yahoo News, pinadala sa kanila ng videographer na si David Lyudmirksy ang rare footage.

Residente si Lyudmirksy ng Glendale, California na malapit umano na pinagbagsakan ng helicopter sa Calabasas.

Napansin daw kasi ni Lyudmirksy na tila kakaiba ang lipad ng helicopter na nagpaikot-ikot sa loob ng 12-13 na minuto.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang sinuri ito ng pilotong si Captain John M. Cox, napansin niyang mas mababa nga kaysa sa normal sanang lipad nito ang helicopter. Ngunit ang data na pinadala mula sa piloto nito ay nasa legal altitude naman.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa trahedya na ito na kumitil sa buhay ng NBA superstar na si Kobe Bryant at anak nitong si Gianna.

Nito lamang umaga ng Enero 28, natagpuan na ang bangkay ng mag-ama gayundin ang walo pa nilang kasamang lulan ng helicopter.

Narito ang kabuuan ng footage:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel