"I want to die young": Tracy McGrady, emosyonal na inalala ang nasabi ng kaibigang si Kobe Bryant

"I want to die young": Tracy McGrady, emosyonal na inalala ang nasabi ng kaibigang si Kobe Bryant

- Di napigilan ng retired NBA star na si Tracy McGrady o mas kilala bilang T-Mac habang ikinikwento niya ang mga alala sa malapit na kaibigang si Kobe Bryant

- Minsan daw kasing nabanggit nitong nais niyang pumanaw sa mas batang edad na tila nagkatotoo

- Nasabi raw ito ni Bryant noong wala pa siyang pamilya ngunit alam ni T-Mac na nagbago ang isip ni Kobe nang magkaroon na siya ng asawa at mga anak

- Malapit din sa kanya ang anak ni Kobe na si Gianna kaya ganoon na lamang ang pighati ni T-Mac sa biglaang pagpanaw ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal na humarap sa interview ng 'The Jump' ng ESPN ang isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Kobe Bryant na si Tracy McGrady o mas kilala sa tawag na "T-Mac".

Maluha-luha niyang inalala ang masasayang sandali nila ng NBA star na pumanaw kamakailan dahil sa helicopter crash.

Minsan kasing nanirahan si T-Mac sa tahanan ng mga Bryant kaya halos magkapatid na ang turing nila sa isa't isa.

Nabanggit din ng retired NBA star na minsang nabanggit ni Kobe na nais daw nitong pumanaw ng mas maaga o sa mas batang edad.

Inisip ni T-Mac na nagbibiro lamang ang kaibigan. Nasabi raw ito ng LA Lakers Star noong wala pa siyang pamilya.

"He used to say, 'I want to die young. I wanna be immortalized. I wanna have my career be better than Michael Jordan and I wanna die young.' I just thought he was just so crazy for saying that," kwento ni McGrady.

Ngunit ngayon na kilala na rin siyang "family man", malamang nagbago naman na ang isip ni Kobe dahil may rason pa sana siyang mabuhay at ito ay para sa kanyang pamilya.

"Clearly that statement was way before kids. And I'm sure once he had kids he didn't have that mindset," dagdag pa McGrady.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, mas lalong naging emosyonal si T-Mac nang banggitin din niya ang masayang alaala niya kay Gianna.

Nanghihinayang siya sa potensyal nito sa larangan ng basketball dahil manang-mana raw ito sa amang si Kobe. Ito rin sana ang magpapatuloy ng legacy ni Bryant sa basketball.

Bukod kay Tracy, maraming malalapit kay Kobe ang labis na naghihinagpis sa biglaan nitong pagpanaw sa edad na 41.

Patuloy ang pagbuhos ng mga pagbibigay pugay sa NBA superstar na nagsilbing inspirasyon di lamang sa larangan ng basketball.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel