Huling gabi ni Kobe Bryant bago ito masawi sa 1 chopper crash, nakunan ng video

Huling gabi ni Kobe Bryant bago ito masawi sa 1 chopper crash, nakunan ng video

- Isang video ang viral ngayon kung saan nakita si Kobe Bryant kasama ang 3-year-old na anak na si Bianka

- Kuha ito sa isang mall Sabado ng gabi, ilang oras bago ito masawi sa isang helicopter crash

- Ayon sa report, nakita si Kobe at Bianka na masayang palakad-lakad sa mall

- Marami ang nadurog ang puso sa nakuhanang eksena dahil ito ang huling gabi na nakasama ni Bianka ang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon ang isang video kung saan nakuhanan ang ilan sa mga huling sandaling nakita ang nasawing NBA legend na si Kobe Bryant.

Sa nasabing video na in-upload ng TMZ, makikita si Kobe noong Sabado ng gabi habang kasama ang anak na si Bianka, 3, sa Fashion Island mall sa Newport Beach, ilang oras bago ito nasawi sa isang helicopter crash.

Kasama nitong nasawi ang anak na si Gianna, 13-anyos nang mag-crash ang sinasakyang private helicopter ng mga ito, na una nang naiulat ng KAMI. Pito pang tao ang kasamang nasawi sa trahedya.

Samantala, batay naman sa report, nakita ang mag-amang Kobe at Bianka sa loob ng nasabing mall habang masayang palakad-lakad.

Napag-alaman naman ng KAMI na madalas pala ang Bryant family sa nasabing mall.

Marami ang nadurog ang puso sa nakuhanang eksena dahil ito ang huling gabi na nakasama ni Bianka ang ama.

Nauna nang naiulat ng KAMI nang sumambulat ang balitang nasawi ang icon sa isang maituturing na malagim na trahedya.

Ayon sa mga ulat, papunta sana ang grupo ni Kobe sakay ng private chopper nito sa Mamba Sports Academy para sa isang basketball practice.

Ngunit ayon sa mga awtoridad, masyadong makapal ang hamog sa lugar at kahit ang mga helicopter ng mga pulis ay hindi pinayagang lumipad.

Sa isang audio footage na lumabas, nakausap pa ang piloto ni Kobe na si Ara Zobayan ilang minuto bago ang crash sa isang remote area sa Calabasas.

Maging ang mga rumesponde ay nahirapan puntahan ang crash site dahil sa matatarik na daan.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa kung ano ang naging dahilan ng crash.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

POPULAR: Read more viral stories here!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel