Kylie Jenner, ilang beses nakasakay sa helicopter ni Kobe Bryant bago ang crash

Kylie Jenner, ilang beses nakasakay sa helicopter ni Kobe Bryant bago ang crash

- Ilang beses na palang nakasakay si Kylie Jenner sa helicopter na pag-aari ni Kobe Bryant bago ito nag-crash na ikinasawi ng NBA legend at walong iba pa

- Kilala rin daw ni Kylie ang pilotong si Ara Zobayan na kasamang nasawi

- Ayon sa sikat na businesswoman, nakilala niya si Zobayan bilang isang mabuting tao

- Sa mga naunang ulat, lumalabas na binalaan pa ng mga awtoridad ang piloto ni Kobe dahil masyadong mababa ang lipad nito bago tuluyang nawalan ng contact dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Ilang beses na palang nakasakay si Kylie Jenner sa helicopter na pag-aari ni Kobe Bryant bago ito nag-crash noong Linggo sa Calabasas, California.

Ikinasawi ito ng NBA legend at ng anak nitong si Gianna Bryant kasama ng pitong iba pa na sakay din ng chopper.

Sa ulat ng TMZ, sinabi ni Kylie na ilang beses na siyang nakasakay sa partikular na chopper.

Kilala rin daw ni Kylie ang pilotong si Ara Zobayan na kasamang nasawi sa crash.

Huling beses daw nitong nakasama si Zobayan noong nirentahan niya ang chopper noon lamang Nobyembre para sa birthday ng anak na si Stormi.

Inilarawan nito ang piloto na isang mabuting tao. Ito rin daw ang piloto sa tuwing sasakay siya sa helicopter ni Kobe.

Sa isang ulat ng , lumabas sa Air traffic report na binalaan pa ang piloto ni Kobe na masyadong mababa ang pagpapalipad bago ito nag-crash sa isang remote area.

Sinabi rin ng Los Angeles Police Department na ang kondisyon ng panahon ay hindi angkop sa paglipad dahil sa hamog.

Pahirapan din ang pagpunta sa crash site dahil sa matarik na daan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kylie ay isang sikat na American media personality.

Kilala rin ito bilang isang billionaire cosmetics mogul.

Noong 2019 kinilala ng Forbes si Kylie bilang "youngest-ever self-made billionaire".

Sa isa pang ulat ng , ibinahagi naman ng American singer at actress na si Jessica Simpson ang larawan ng kanilang likod-bahay kung saan 'di kalayuan ay naganap ang crash na ikinasawi ni Kobe.

POPULAR: Read more viral stories here!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel