Nakamamanghang kwento ng 83-anyos na nag-agaw buhay pero gumaling pa rin, nag-viral

Nakamamanghang kwento ng 83-anyos na nag-agaw buhay pero gumaling pa rin, nag-viral

- Nag-viral ang nakaka-inspire na kwento ni 'Tatay Ising' na himalang lumakas at gumaling

- Uminda raw ito ng hirap sa paghinga kaya naman dinala na agad siya sa ospital

- Dahil sa kanyang kalagayan, inabisuhan ang kanyang pamilya na kailangan na itong lagyan ng tubo sa ilong kung saan padadaanin ang pagkain ng matanda

- Tumagal ng ilang araw na di nakakakain si Lolo Ising dahil ayaw sana niyang magpalagay ng tubo na daraanan ng kanyang pagkain

- Ngunit sa kagustuhan niyang magdiwang pa ng ika-100 kaarawan, sinunod na rin niya ang pinalalagay ng doktor.

- Nanumbalik ang sigla at lakas ni Tatay Ising na parang walang inindang sakit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang nakamamanghang kwento ni Sixto del Rosario o mas kilala sa tawag na Tatay Ising. Halos nag-agaw buhay na kasi ito ngunit himalang bumuti pa rin ang kanyang kalagayan.

Binahagi ng kanyang anak na si Arceli Aquino ang pinagdaanan ni Tatay Ising na naka-inspire sa maraming netizens.

Uminda lamang daw ang matanda ng hirap sa paghinga kaya naman dinala na nila ito sa ospital.

Sa umpisa'y nakakakain pa ito at may kalakasan pa ngunit nang sumapit ang ika-apat na araw sa ospital, tuluyan na itong nanghina. Sa kasamaang palad, nawalan pa ito ng malay.

Masasabing agaw-buhay na noon si Tatay Ising subalit pilit itong na-revive ng mga doktor at nurse.

Nilagyan na rin siya ng tubo diretso sa baga dahil hinahabol na raw nito ang kanyang hininga.

Malakas si Tatay Ising at pilit siyang lumalaban. Kahit hirap na magsalita, nagagawa niyang isulat ang mga nais niyang sabihin.

Nakamamanghang kwento ng 83-anyos na nag-agaw buhay pero gumaling pa rin, nag-viral

Source: Arceli Aquino/FB
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa edad niyang 83, kinakitaan siya ng determinasyon lalo pa at nais pa raw nitong umabot sa edad na 100 at ipagdiriwang pa raw niya ang kaarawan sa taong iyon.

Dahil sa kanyang kalagayan, sinabihan na ang pamilya ni lolo na kailangan na itong lagyan ng tubo na siyang pagdaraanan ng pagkain nito.

Sa umpisa't nagmamatigas si Tatay Ising at ayaw talaga niyang magpalagay dahil ito raw ay masakit.

Nagpapabasa na lamang siya ng labi para makaramdam manlang ito ng tubig.

Dumaan ang mga araw na walang kinakain ang matanda kaya naman nanghina na ito.

Kalaunan, ay nagpalagay na rin siya ng tubo at noon lamang siya muli nakakain.

Mula noon, unti-unti nang nanumbalik ang lakas ni Tatay Ising na animo'y walang nangyari.

Tunay na kahanga-hanga ang pinagdaanan na ito ng tatay ni Arceli.

Malaking bagay ang suporta ng kanyang pamilya na nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya gayundin ang kanyang positibong pananaw na aabot pa siya ng ika-100 taon ng kanyang buhay.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Tatay Ising.

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=2822027997843297&set=pcb.2822029864509777&type=3&theater

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel