Mga malls sa bansa, nagkulay 'purple at gold' bilang pagbibigay pugay kay Kobe Bryant

Mga malls sa bansa, nagkulay 'purple at gold' bilang pagbibigay pugay kay Kobe Bryant

- Nagpailaw ng kulay purple at gold at mga mall sa iba't ibang bahagi ng bansa

- Ito ay bilang pagbibigay pugay sa namayapang NBA superstar na si Kobe Bryant na nasawi sa helicopter crash noong Enero 26

- Ang ilan ay makikita pa mismo ang pangalan ni Black Mamba pati na rin ang jersey number nito na '24'

- Marami ang nagdadalamhating fans sa iba't ibang bahagi ng mundo sa biglaang pagkamatay ng kanilang idol at inspirasyon sa larangan ng basketball

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gabi ng Enero 27 matapos umugong ang balitang pumanaw na ang NBA superstar na si Kobe Bryant, nagpailaw na ng kulay purple at gold ang mga malls sa iba't ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa GMA News, ito raw ay isang paraan ng pagbibigay pugay sa NBA legend na napamahal na rin sa mga Pilipino dahil sa makailang beses na rin itong nakabisita sa bansa.

Bukod sa kulay ng purple at gold, makikita pa sa ibang malls ang mismong pangalan ni Black Mamba at jersey number nito na "24."

Kinulayan ng purple ang globo ng SM Mall of Asia at kitang-kita ang number 24.

Ang Uptown mall naman sa Taguig ay may agaw eksena na "Kobe."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa Eastwood City naman ay mismong mukha ni Kobe at mga numerong 8 at 24 na naging jersey number din nito.

Maging sa SM Seaside City sa Cebu ay agaw pansin din ang gusaling kulay ginto at lila.

Marami ang nagulat at nalungkot sa biglaang pagkamatay ni Kobe Bryant na nag-crash ang sinasakyang helicopter noong Enero 26 sa Calabasas, California.

Kasama ni Kobe ang 13-anyos na anak na si Gianna na nasawi rin sa aksidente.

Patungo sana ang mag-ama sa basketball tournament ni Gianna kung saan tumatayo si Kobe na coach ng team ng anak.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel