Street children foundation sa Pinas, nagpasalamat sa "kaibigan" nilang si Kobe Bryant

Street children foundation sa Pinas, nagpasalamat sa "kaibigan" nilang si Kobe Bryant

- Inalala ng Tuloy Foundation ang minsan nang bumisita sa kanila na NBA superstar na si Kobe Bryant

- Itinuring daw nilang "longtime friend" si Kobe na minsang nakipaglaro, nakisayaw at namigay ng mga pagkain sa street children ng organisasyon

- Nagpasalamat sila sa mga alaalang iniwan ni Kobe na magsisilbing inspirasyon pa rin para sa mga batang lansangan

- Ayon pa kay Fr. Rocky, nais pa sana niyang imbitahan si Kobe sa pagdiriwang niya ng ika-50 taon ng pagiging pari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas ng pahayag ng pakikiramay ang Tuloy Foundation sa pagpanaw ng NBA star na si Kobe Bryant.

Isa kasi ang kanilang organisasyon na maswerteng nabisita ni Kobe nang bumisita siya sa Pilipinas noong 1998.

Tinuring daw ng Tuloy si Kobe na isang "longtime friend" dahil minsan na itong nakipaglaro, nakisayaw at namigay ng mga pagkain sa mga batang lansangang kinupkop ng organisasyon.

Ayon pa sa post ni Fr. Marciano "Rocky" Evangelista, SDB, mag-aalay din sila ng dasal para sa mga naiwan nina Kobe at anak nitong si Gianna na dumaraan ngayon sa matinding pighati dahil sa nangyari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa ni Fr. Rocky, balak pa naman daw sana niyang imbitahin si Kobe sa pagdiriwang niya ng ika-50 taon ng pagkapari sa Mayo. Itinuring niya kasing isa sa mga highlights ng kanyang pagiging pari ang pagbisita ni Kobe sa kanyang organisasyon.

Binahagi rin sa post ang masasayang alaala ni Kobe sa pagbisita niya noong 1998 at bakas sa kanya ang taos-pusong pakikisalamamuha sa mga Pinoy.

Narito ang kabuuan ng post:

Nagulantang ang buong mundo sa biglaang pagpanaw ng NBA legend na si Kobe Bryant noong Enero 26.

Nag-crash ang helicopter na sinasakyan nila ng kanyang anak na si Gianna at pito pang mga kasama.

Halos di makapaniwala ang marami sa masamang balita na ito at labis na nagdalamhati ang mundo sa maagang pagpanaw ng isa sa inspirasyon ng marami sa larangan ng basketball.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel