"Beso-beso" at kilawin, iwasan muna sa gitna ng coronavirus scare -DOH

"Beso-beso" at kilawin, iwasan muna sa gitna ng coronavirus scare -DOH

- Iwasan muna ang pakikipag-kamay at ang "beso-beso" ayon sa DOH sa gitna ng coronavirus crisis

- Maging ang pagkain ng hilaw na karne ay iwasan na rin ayon sa ahensiya

- Sa kabuuang bilang, 80 na ang naitalang namatay dahil sa novel coronavirus habang halos 3K naman ang infected na

- Wala pa raw naiuulat na confirmed case ng coronavirus sa Pilipinas pero may 11 foreigners na mula sa Wuhan ang minomonitor ng DOH

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Iwasan muna ang pakikipag-kamay at ang "beso-beso" ayon sa Department of Health (DOH) sa gitna ng coronavirus crisis.

Sa isang report ng ABS-CBN News, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque sa isang press conference na: “Avoid shaking of hands this time. At the most, fist bump."

Kasunod ito ng patuloy na pag-iimbestiga ng mga awtoridad sa mga posibleng kaso ng novel coronavirus.

Nagpaalala rin si Duque sa publiko na palaging magtakip ng bibig sa tuwing uubo o babahing. Habang ang mga may sakit naman ay manatili na lamang sa kanilang bahay.

Bukod dito, sinabi rin ng opisyal na huwag na munang kumain ng hilaw na karne.

“Make sure that the preparation is adequate. It should not be half-cooked or have meat that is pinkish,” anito.

Nauna nang sinabi ng mga awtoridad na nag-ugat ang 2019-nCoV sa isang wildlife market sa Wuhan, China.

Sinasabing posibleng nakukuha ang virus mula sa mga hayop.

“Rule number one: Never eat raw meat,” ani Duque. “A lot of illnesses start with animals or zoonotic transmission.”

“Yang mga kilawin, tigil na muna natin yan. Maraming mikrobyo kasi yang mga yan,” dagdag pa nito.

Nang tanungin naman kung maaari pa ring kumain ng mga delicacies katulad ng sashimi, sinabi ni Duque na walang masama kung kakain nito basta siguraduhin lamang na mapagkakatiwalaan at kilala na ang restaurants na gumagawa nito.

Wala pa raw naiuulat na confirmed cases ng coronavirus sa Pilipinas pero may 11 foreigners na mula sa Wuhan ang minomonitor ng DOH.

Sa kabuuang bilang, 80 na ang naitalang namatay dahil sa novel coronavirus habang halos 3K naman ang infected na sa China.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isang ulat ng KAMI, dalawang Pinoy sa Hubei Province kung nasaan ang Wuhan City ang nagpapasaklolo na kina Pangulong Duterte at Mayor Sarah Duterte.

POPULAR: Read more viral stories here!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel