Dancing Kobe Bryant, inalala ng marami sa 1 video na kuha noong naglalaro pa ito

Dancing Kobe Bryant, inalala ng marami sa 1 video na kuha noong naglalaro pa ito

- Muling inalala ng marami ang nakakatuwang pagsasayaw ni Kobe Bryant noong ito ay naglalaro pa para sa Lakers

- Sa video na kumakalat sa social media, kita ang masayahing side ni Kobe

- Umaapaw naman ang pakikiramay at pagdadalamhati ng mga fans sa buong mundo

- Sa Staples Center, dumagsa ang mga nagluluksang fans ni Kobe

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling inalala ng marami ang nakakatuwang pagsasayaw ni Kobe Bryant noong ito ay naglalaro pa para sa Lakers.

Sa isang maiksing video sa Twitter, kita ang masayahing side ni Kobe. Sumayaw pa ito bago tumira para sa free throw.

Ilan lamang ito sa mga alaalang naiwan ng NBA legend sa kanyang mga tagahanga at marahil maging sa buong mundo na ikinalungkot ang kanyang biglaang pagpanaw.

Kasama ni Kobe ang anak na si Gianna at pitong iba pa na papunta sana sa Mamba Sports Academy para sa isang basketball practice.

Sa Staples Center, dumagsa ang napakaraming fans ni Kobe na ipinagluluksa ang pagkamatay nito.

Nag-alay ang mga ito ng mga bulaklak, nagsindi ng kandila at nanalangin para sa mga nasawi.

Sa Pilipinas, maraming Pinoy din ang ikinalungkot at ikinagulat ang balita. Marami ang nanghinayang sa pagpanaw ng NBA superstar at ng 13-anyos na anak nito.

Maging ang ilang Pinoy celebrities ay nagpabatid din ng pakikiramay at lungkot, kabilang na si Senator Manny Pacquiao, na una nang naibalita ng KAMI.

Ayon kay Pacman, hindi pa raw siya makapaniwala nang mabalitaan ang nangyari sa kaibigan.

Nauna na itong nag-tweet upang ipabatid ang pagluluksa sa pagkamatay ni Kobe, kasama ng tweet ng senador ang larawan nilang dalawa.

Si Bryant at isang Philadelphia native at 20 taong naging bahagi ng Lakers.

Nagkamit ito ng limang NBA championships at 18 All-Star titles bago ito nag-retiro noong 2016. Siya ang kauna-unahang guard sa NBA history na nakapaglaro sa loob ng 20 seasons.

Patuloy itong nagkamit ng tagumpay at pagkilala hanggang sa mapilitan itong mag-retiro noong 2015/16 season dahil sa injuries sa tuhod at balikat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

POPULAR: Read more viral stories here!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel