Anak ni Shaquille O’Neal, nakatanggap pa ng mensahe mula kay Kobe bago ito pumanaw

Anak ni Shaquille O’Neal, nakatanggap pa ng mensahe mula kay Kobe bago ito pumanaw

- Halos di raw makapaniwala ang anak ng isa ring NBA Superstar na si Shaquille O’Neal na pumanaw na ang tinuturing niyang tiyo na si Kobe Bryant

- Nakatanggap pa umano siya ng mensahe noong umaga bago raw maganap ang helicopter crash

- Halos madurog ang kanyang puso nang malamang maging ang anak ni Kobe na si Gianna ay kasama sa nasawi

- Binahagi ni Shareef, anak ni Shaquille ang huli na palang mensahe na kanyang natanggap mula kay Kobe

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa ang anak ni Shaquille O’Neal na si Shareef na labis na nadadalamhati sa pagkamatay ng NBA superstar na si Kobe Bryant.

Kasama ni Kobe ang kanyang 13-anyos na anak na si Gianna sa helicopter na nag-crash umaga ng Enero 26.

Patungo sana ang mag-ama sa basketball tournament ni Gianna kung saan tumatayong coach si Kobe sa team ng anak.

Halos di raw makapaniwala si Shareef sa kalunos-lunos na sinapit ng kanyang tinuturing na tiyo.

Umaga raw kasi bago maganap ang trahedya, nagawa pa raw siyang kumustahin nito sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanya ng direct message sa Twitter.

Hindi niya alam na iyon na pala ang huling mensahe mula sa itinuring na kapatid ng kanyang ama.

Nagbahagi rin si Shareef ng pakikidalamhati sa pagpanaw ni Gianna.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maalalang sina Shaquille at Kobe ang star players ng LA Lakers kaya naman ganun na lamang kalalim ang pinagsamahan ng dalawa.

Samantala, maging si Shaq ay nakaramdam ng labis na pighati sa pagpanaw ng malapit niyang kaibigan.

Sa isang tweet, binahagi niya ang sakit na kanya raw nadarama sa pagpanaw ni Kobe.

Sina Kobe at Shaq ay pawang mga key players ng LA Lakers kung saan naipanalo nila ito sa loob ng tatlong NBA championships noong 2000, 2001 at 2002.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel