Sen. Manny Pacquiao, 'di makapaniwala na pumanaw na ang kaibigang si Kobe Bryant

Sen. Manny Pacquiao, 'di makapaniwala na pumanaw na ang kaibigang si Kobe Bryant

- Ikinabigla raw ni Senator Manny Pacquiao ang balitang nasawi sa isang trahedya ang kaibigang si Kobe Bryant

- Ayon sa senador, hindi pa siya makapaniwala nang mabalitaan ito

- Nagpahayag din ito ng pakikiramay para sa pamilyang naiwan ng NBA legend

- Sabi pa ni Pacman, marami siyang hindi malilimutang alaala kasama si Bryant

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ikinabigla raw ni Senator Manny Pacquiao ang malungkot na balitang nasawi sa isang helicopter crash ang kaibigang si Kobe Bryant.

Sa panayam sa senador ng ilang miyembro ng press, sinabi ng senador na hindi pa ito makapaniwala nang mabalitaan ang pagpanaw ni Bryant nitong Lunes ng umaga.

Nagpahayag din ito ng pakikiramay para sa pamilyang naiwan ng NBA legend.

Humiling pa si Pacman ng dasal para sa mga naulila ni Bryant na higit na nagdadalamhati ngayon.

Sabi pa ng senador, marami siyang alaala kasama si Bryant na hindi niya makakalimutan.

Sa isang tweet, nauna nang ipinabatid ni Senator Pacquiao ang kanyang kalungkutan sa pagpanaw ng basketball superstar, kasama sa tweet nito ang larawan nila ni Bryant.

"The world lost a legend today but the impact and legacy he leaves behind will last forever! #RIPMamba," ayon sa tweet ni Pacman.

Sa isang report ng KAMI, sinabing nasawi si Kobe Bryant kasama ang walong iba pa, sa isang helicopter crash sa Calabasas, California, Linggo ng umaga.

Kasama nito ang anak na si Gianna at pitong iba pa. Walang nakaligtas sa mga ito.

Samantala, isa ring NBA superstar at kaibigan ni Bryant na si Dwayne Wade ang emosyonal na nagpahayag ng pagdadalamhati sa pagpanaw ng NBA legend, na naibalita na rin ng KAMI.

Isang video naman ni Kobe noong 2019 ang muling nagviral, kung saan spotted ito na kino-comfort ang ilang biktima ng isang aksidente.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel