Dwayne Wade, emosyonal sa pagpanaw ni Kobe Bryant: "It's a nightmare"

Dwayne Wade, emosyonal sa pagpanaw ni Kobe Bryant: "It's a nightmare"

- Hindi na itinago pa ng NBA superstar na si Dwayne Wade ang kanyang pagdadalamhati sa pagpanaw ng kaibigang si Kobe Bryant

- Sa kanyang Instagram stories, emosyonal na nagpahayag ito ng mensahe para sa nasawing NBA legend

- Ayon kay Wade, isa si Bryant sa mga inidolo niya at binigyang-pugay pa ito

- Isa lamang si Wade sa mga celebrities na nagluluksa ngayon dahil sa mapait na pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na itinago pa ng former NBA player na si Dwayne Wade ang kanyang pagdadalamhati sa pagpanaw ni Kobe Bryant.

Sa Instagram stories ni Wade, na ibinahagi ng Facebook page na Dwyane Wade is a Legend, emosyonal ito habang nagbibigay ng mensahe para sa nasawing NBA legend.

Inalala rin ni Wade ang ilang alaala kasama si Bryant at ang kanilang pagkakaibigan.

Ikinalungkot din nito ang balitang kasama ang anak ni Kobe na si Gianna sa mga nasawi sa helicopter crash nitong Linggo, na unang naibalita ng KAMI.

Ayon kay Wade, isa si Bryant sa mga inidolo niya. Binigyang-pugay din nito ang pagiging ama, asawa, kaibigan, kapatid at anak ni Bryant.

Nagpaabot din ito ng pakikiramay para sa pamilyang naiwan ng mag-ama.

Isa lamang si Wade sa mga celebrities na nagluluksa ngayon dahil sa mapait na pangyayari.

Lunes nang umaga nang sumambulat ang nakakalungkot na balita nang pagpanaw ni Kobe at ng grupo nito, na una nang naibalita ng KAMI.

Batay sa pinakahuling update, siyam ang sakay ng private helicopter ni Bryant kasama ito ang anak na si Gianna. Walang survivor sa aksidente.

Ilang saksi naman ang nagsabi na narinig muna nila ang maingay ng makina ng chopper bago tuluyang bumagsak sa isang remote area sa Calabasas, California.

Si Bryant at isang Philadelphia native at 20 taong naging bahagi ng Lakers.

Nagkamit ito ng limang NBA championships at 18 All-Star titles bago ito nag-retiro noong 2016. Siya ang kauna-unahang guard sa NBA history na nakapaglaro sa loob ng 20 seasons.

Patuloy itong nagkamit ng tagumpay at pagkilala hanggang sa mapilitan itong mag-retiro noong 2015/16 season dahil sa injuries sa tuhod at balikat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel