11 pasyente sa bansa na hinihinalang may coronavirus, iniimbistigahan na

11 pasyente sa bansa na hinihinalang may coronavirus, iniimbistigahan na

- Naglabas na ng listahan ang Department of Health ng mga lugar kung saan mayroong hinihinalang coronavirus case

- Ito ay matapos kakitaan ng mga sintomas ang mga pasyenteng ito

- Nilinaw din nilang wala pang kumpirmadong kaso ng deadly virus na ito mula sa Wuhan, China

- Paalala rin ng DOH na matutong gumamit ng mask upang kahit na paano ay may proteksyon sa sarili

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

11 pasyente ang hinihinalang mayroong novel coronavirus sa bansa.

Ito ay ayon sa Department of Health na naglabas na ng listahan ng lugar at ospital kung saan ngayon naka-admit ang mga pasyenteng ito.

Ang mga pasyente ay na-admit sa iba't ibang ospital mula Enero 12 hanggang 26.

Kinakitaan kasi ang mga pasyenteng ito ng sintomas ng novel coronavirus na kumitil na raw sa maraming buhay.

Sa Maynila, isang 78-anyos na nakalagak sa Asian Hospital sa Muntinlupa at isang 44-anyos na lalaki nasa Asian Hospital sa Adventist Medical Center sa Pasay.

Tatlong pasyente naman ng Dr. Rafael Tumbokon Memorial hospital ang naka-confine. Gayundin sa Cebu na mayroong tatlong iniimbestigahan na mga pasyente, isa sa Camiguin at isa rin sa Leyte.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nilinaw naman ni Secretary Francisco Duque III ng Department of Health na wala pang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa bansa.

Nakikipagtulungan na rin kasi ang mga airport tulad na lamang ng NAIA na nagawang magpabalik sa Wuhan ng nasa 500 na turista mula roon na papasok sa bansa.

Ito ay upang makasigurong walang sinuman mula sa Wuhan, China kung saan nagmula di umano ang virus na ito ang makapapasok sa bansa.

Paalala rin ng DOH ang palagiang paggamit ng masks lalo na kung nasa mataong lugar.

Narito ang eksaktong lugar at ospital na pinaglalagakan ng mga pasyenteng hinihinalang may coronavirus na binahagi rin ng Philippine Star.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel